Isang lalaki na magsasaka sa umaga, online machø dancér sa gabi nakapagpundar ng bahay na nagkakahalaga ng P2M at mga alahas

Simula nang magkaroon ng pandémya dulot ng C0VID-19 marami sa ating mga kababayan ang nawalan ng pinagkakakitaan o trabaho.

Ipinagbabawal kasi ang pagbubukas ng mga negosyo at maging ang ilang mga kumpanya at opisina ay ipinasara para maiwasan ang mabilis na pagkahawaan ng såkit. Kaya naman marami sa atin ang nag kanya-kanyang diskarte sa paghahanap ng trabaho at pagkakakitaan para mairaos ang pangangailangan ng pamilya.

Kaya ang iba ay gumawa ng paraan at naghanap ng trabaho na sa loob lamang ng kani-kanilang tahanan at hindi kinakailangan pang lumabas ng bahay.

Katulad na lang ng lalaking ito na nakilala bilang si Evo Martin, siya ay isang magsasaka sa umaga at kumikita naman bilang isang mach0 dancer sa gabi sa loob lamang ng kanyang kwarto.

Ayon kay Evo kumikita siya ng malaki sa pagsasayaw bilang macho dancer sa harap ng kanyang mga parokyano ng halos 30,000 kada gamit gamit lamang ang internet at ang maganda pa rito ay nasa loob lamang siya ng kanyang kwarto.

Si Evo ay na-feature din sa programang Kapuso Mo Jessica Soho, kung saan dito niya ibinahagi ang kanyang kwento kasama pa ang ibang mga dating nagtatrabaho bilang macho dancer.

Ginagamit daw ni Evo na screen name sa kanyang mga parokyano ay “Yum Evo” kung saan ay napapanood siya ng mga ito sa pamamagitan ng Zoom.

Kwento ni Evo dahil sa laki daw ng kita ng nagmamacho dancer ay nagawa niyang makabili ng kanilang sariling lupa at pangarap na bahay na nagkakahalaga ng dalawang milyong Piso (2M) at mga mamahaling alahas at savings.

Ayon pa kay Evo nagsimula daw ang ganito niyang trabaho dahil sa kanyang kaibigan na nag-engganyo sa kanya na magsayaw via Zoom at sa pamamagitan ng isang online application kaharap ang mga parokyano.

“Meron akong isang friend na nag-message sa akin kung willing ako mag-perform via Zoom. Okay lang basta sumasayaw lang ako.” pahayag ni Evo.

“Kumita ako sa isang gabi ng mga P30,000. Sa mga tip pa lang, panalo na. Send niyo muna sa GCash then tsaka ako magsasayaw,” aniya.

 

“OK lang basta sumasayaw lang ako dito sa loob ng bahay lang, para safety na rin.”

“Hindi po lahat ng iniisip n’yo sa aming mga macho dancer ay ganito.” dagdag pa ng binata

At gaya ng ating nabanggit ay hindi lamang si Evo ang sumubok ng ganitong trabaho, marami na din ang mga dancers ang sumubok sa makabagong pagkakakitaan.

Kamakailan nga lang ay nag viral sa social media ang isa sa sikat na entertainment bar sa bansa, na sila ay naghahanap ng mga bagong dancers at maaari itong kumita ng 50K kada buwan.

Ngunit agad-agad naman itong pinabulaan ng management ng sikat na bar na hindi raw totoo na sila ay naghahanap ng mga bagong macho dancers

Ayon naman sa Pulisya hindi naman daw iligal ang ganitong uri ng trabaho, ngunit magiging iligal lang ito kung magsasayaw sila ng walanf saplot sa katawan at gagawa ng ipinagbabawal sa batas.

“Nagiging illegal lang siya kung nagsasayaw lang siya ng hubad-hubad na pinipilit siya for the purpose of séxüal exploitation. Nakikita ko na magiging violation siya sa batas natin dito sa Pilipinas.” Pahayag ni LT COL. Ivy Castillo, head ng CIDG-PNP. *