Ito pala ang tunay na dahilan kung bakit walang malaking size ng “Yakult” na ibinebenta sa Market

Marami sa atin ang mahilig uminom ng “Yakult” lalo na sa mga bata ito ay patok na patok, Ngunit marami ang nagtataka kung bakit nga ba maliit lamang ang meron nito at walang Yakult na nasa malaking container na ibinebenta! Bakit nga kaya?

Ayon Yakult ay isang sweetener probiotic drink na mayroong kasamang Live Lactobacillus Shirota strain. Base sa aming research ang Yakult ay nagmula sa Japan taong 1930 nagsimula itong ilako sa mga bahay-bahay lamang na hanggang sa lumago ang produktong Yakult.

Mas naging kilala ang Yakult sa mga sumunod pang taon nito lalo na sa mga may sakit o karamdaman na tinamaan ng déngue.

Ang Yakult ay nakalagay lamang sa maliit na bote kaya naman hindi maikakaila na kulang na kulang ito lalo na sa mga taong mahilig uminom nito.

Samantala, Aminado naman tayo na lahat ay nagtataka kung bakit nga kaya maliit lamang ang lalagyan na meron sila.

Kaya naman nabuksan ulit ang usapin na ito ng may matapang na nagtanong na isang netizen sa mismong Facebook page ng Yakult at hindi naman nabigo ang naturang netizen at nasagot na rin ang kanyang matagal ng katanungan.

“Bata pa ako noon mula ngayon, ‘di ko pa rin alam ang sagot. Bakit po walang malaking size ng Yakult?” – Tanong ng netizen na si Roseller Kempis.

Sumagot naman agad ang naturang Facebook Page ng Yakult at sa wakas ay nasagot ng ang matagal ng katanungan ng maraming Pilipino.

That’s an interesting question, Roseller. Thank you for thinking about us. Yakult avoids creating bigger bottles for the reason that Yakult must be consumed in one sitting. Having a bigger Yakult will make it prone to contamination by frequent opening and closing of the lid.”

Ito pala ang kadahilanan kung bakit maliit ang lalagyan ni Yakult dahil ginawa pala ito para sa isang inuman lamang at para maiwasan ang pagkakaroon ng contamination sa tuwing bubuksan ang takip ng Yakult kung ito ay nasa malaking container.