Isang Bumbero, pinabayaan masunog ang bahay ng isang Lola matapos marinig ang hiling sa kanya ng matanda

Bukod sa trabahong Pulis isa rin ang trabahong Bumbero ang may delikadong propesyon nakataya dito ang buhay nila para lang mailigtas ang kanilang kapwa na nangangailangan ng kanilang tulong at dito kinakailangan nila nang dobleng pag-iingat.

Ang pagiging Bumbero daw ang pangarap ni Eugene bata pa lang daw ay gustong gusto niya na ang propesyon na ito. Ngayon nga ay halos dalawampung taon na siyang nagsisilbi sa bayan at sa mga tao bilang bumbero.

Si Eugene ay marami ng nasagip na buhay ng tao at mga bahay. Para kay Eugene kahit pa delikado ang kanyang pinasok na propesyon ay mas pipiliin parin niya ito kaysa maupo g walong oras sa opisina para sa isang Corporate work.

Subalit isang aksidente ang naging dahilan upang kwestyunin ni Eugene ang kanyang pinakamamahal na trabaho.

Ito ay nang isang gabi ng sila ay ma alarma ng kanilang buong Department ng malaman nilang mayroong isang malaking sunog ang nangyayari sa magarang bahay ng nagngangalang Mrs. Zamora isang retiradong principal ng isa sa pinakamalaking paaralan ng kanilang bayan.

Agad-agad naman rumesponde ang mga naturang bumbero kasama na si Eugene. Subalit parating pa lang sila sa nasusunog na bahay ay mayroon isang malaking problema ang bumulaga sa kanilang team.

Di-umano si Mrs. Zamora pala ay nasa loob parin ng nasusunog na bahay.

Dali-dali naman pumasok si Eugene sa loob ng bahay at agad niyang namataan ang matanda na hirap na hirap sa kanyang paghinga.

Matapos noon ay agad niyang pinangakuan ang matanda na sasagipin niya ang bahay, ngunit nagulat na lamang siya sa ibinulong nito.

“Huwag na, hayaan mo na itong matupok, dahil sinadya kong sunugin ang bahay kasama ang labi ng aking asawa.”

Ngunit sa bandang huli nagawa pa rin niyang ilabas ang matanda sa bahay, ngunit ang kanyang mga narinig mula sa mga bibig nito ay isang bagay na habang buhay na mananatili sa kanyang alaala.