Pinoy Kundoktor na sumasahod ng 10-15 pesos noon, May- ari na ng Luxury Rental Cars ngayon na inaarkila ng mga Kilalang Hollywood Celebrities sa America!

Isang kamangha- manghang taglay na pag- uugali ng mga Pilipino ay ang pagiging madiskarte at masipag na kung saan hindi basta- basta sumusuko sa hamon ng buhay.

Ang bawat tao ay ipinanganak sa magkakaibang estado. Ang iba ay ipinanganak na mayroong magandang buhay samantala, may iba ding ipinanganak upang gapangin ang tuktok ng tagumpay.

Gayon na lamang ang ipinamalas ng Pilipinong Kundoktor ng Bus noon na si Felix na ngayo’y isa nang nagmamay- ari ng mga Luxury Car Rental sa bansang Amerika. Higit pa doon, madalas ang kaniyang mga customers ay talaga namang sikat na artista sa Hollywood Celebrities na maging sa ibang bansa ay kilala.

Kwento niya, noon daw ay nahihiya siya sa kaniyang mga kaklase na mayroong isang komportable at kaaya- ayang hitsura ng bahay. Samakatuwid, ang kanilang tahanan ay payak at kulang- kulang sa kagamitan.

Ngunit hindi nadala si Felix ng inggit bagkus ay ginawa niya itong inspirasyon upang magsumikap sa buhay upang maabot ang kaniyang pangarap dahil hindi niya ninais na manatiling ganon na lamang ang kaniyang dadanasin hanggang siya ay tumanda.

“Nung bata ako, akala ko lahat ng tao ginagawa yung ginagawa namin. Yung nanay ko nagluluto sa kahoy, naghuhugas ng plato sa balde. Pero nung napunta ako sa bahay ng kaklase ko noong highschool, nakita ko na mayroon silang couch, maganda yung lababo nila. Hiyang hiya ako sa katayuan ng buhay naming noon. Doon ko narealize na dapat akong magsumikap.”

Hindi din naging madali ang pag- angat ni Felix pagkat bago niya matamasa ang sarap ay naghirap muna siya sa pagtatrabaho sa Pilipinas bilang isang kundoktor na sumasahod lamang ng 10-15 pesos kada araw.

Hindi nawalan ng pag- asa si Felix. Sa tulong ng mga salitang motibasyon ng kaniyang kaibigan, nagpatuloy siya hanggang sa akahanap ng magandang oportunidad. Sumampa sa barko si Felix at doon ay nakakita ng oportunidad sa Amerika.

Nang siya ay nagkaroon ng sapat na ipon, nagsimula siyang magbukas ng kaniyang sariling negosyo na Rental Car Business na naging simula ng kaniyang pag- angat.

“Sinugal ko lahat ng naipon ko para masimulan ‘tong business na ‘to. Sa awa ng Diyos, may mga tumatawag na mag- aavail ng car rental service. Nagkaroon ako n pasaherong Hollywood Celebrities, gaya nina Patty Austin, Simon Cowell at Captain America Chris Evans!”