Matandang lalaki, niloko at ninakawan ng ATM Pension na ngayon ay nakatira na lamang sa kalsada

Karamihan ngayon sa mga matatanda na Senior Citizen ay nakakatanggap ng kanilang Pension kung saan ito ay kanilang pinaghirapan noong malakas pa sila.

Maraming umaasang matatanda sa kanilang pension upang maipambili nila ito ng gamøt, pagkain at makatulong sa kanila buwanan sa mga gastusin.

Usap-usapan ngayon sa social media ang isang matanda kung saan may isang grupo ng vlogger ang nakapansin dito na umiiyak habang nasa ilalim ng puno.

Nang makausap ng grupong vlogger na Bench TV dito nila napag-alaman ng grupo na ang naturang matanda ay wala ng tirahan at tanging sa kalsada lamang natutulog.

Ayon pa dito wala na daw pamilyang uuwian si Tatay at hindi narin niya alam kung nasaan pa ang kaniyang mga pamilya o maging ang mga kapatid.

Ang masakit pa rito mayroon daw sana siyang pension umanong natatanggap ngunit sa kadahilanan ay kinuha sa kaniya ito ng isang tao at sinanla upang pagkaperahan.

Dahil narin sa edad ni Tatay hindi daw niya matukoy kung sino ang taong kumuha nito at dagdag pa niya dahil raw sa pagtatrabaho ng husto noong raw ay hindi na siya nakapag-asawa at tanging paghahanap buhay lamang ang kaniyang naging atensyon.

Dagdag pa ni Tatay sa kanyang pagtulong narin sa mga anak ng kanyang mga kapatid at pamangkin ay tumanda itong binata hindi naglaon ay namaalam na rin ang kanyang mga kapatid dahil narin sa katandaan tanging siya nalamang ang naiwang buhay sa kanilang magkakapatid.

Hindi rin tukoy ni tatay kung nasaan ang kanyang mga pamangkin upang siya’y matulungan.