Mga lalake sa Faroe Island Denmark, naghahanap ng mga Pinay na mapapangasawa dahil sa maliit lamang ang populasyon doon

Kapansin-pansin ang hindi mapigilan paglaki ng populasyon dito sa atin sa Pilipinas, Isa sa mga nagiging dahilan nito ay ang hindi pagsunod sa Family planning at ang maagang pagbubuntis ng mga kabataan dahil na rin sa kakulangan sa edukasyon at kaalaman patungkol sa pagtatalik.

Dahil sa pagdami ng tao dito sa atin bansa ay ito rin ang nakikita ng mga eksperto kung bakit lalong naghihirap ang Pilipinas.

Samantala, Kung sa Pilipinas ay palaki ng palaki ang populasyon ay kabaligtaran naman sa Faroe Island na matatagpuan sa Denmark, Dahil sa pagbaba ng kanilang populasyon dito o pagkonti ng tao partikular na ang mga babae ang ibang kalalakihan tuloy dito ay naghahanap ng mga mapapangasawa.

Sa kasalukuyan ay may 50,000 ang kanulang populasyon dito ngunit habang tumatagal ay bumababa at nababawasan ang mga tao sa Faroe Island.

Katulad nga ng nabanggit kanina partikular na ang kulang sa kanila ay ang kababaihan ng halos 4%. Maraming mga kalalakihan dito ang gusto na mag-asawa ngunit dahil sa kakulangan nga kababaihan ay wala na silang magawa.

Samantala at dahil halos lahat ay hi-tech na ay natututo silang gumamit ng mga dating apps gamit ang internet. Karaniwan nilang hinahanap na babae ay mula sa Asya. Ang iba ay naghahanap sa pamamagitan ng kanilang ibang kaibigan na may kasintahang Asyana.

Ang nagpapatunay dito ay ang 300 na kababaihan na nagmula sa ibat-ibang parti ng Asya na ngayon ay lumipat na sa Faroe Island at sumama sa kanilang kasintahan na nakilala sa mga dating sites. Sa kasalukuyan ang grupo nilang mga taga Asya ay siyang may pinakamataas na ethic minority sa 18 isla.

Ngunit marami ang nagtatanong na bakit nga ba nababawasan ang Populasyon sa Faroe Island at imbis na tumaaas habang tumatagal?

Ayon sa Prime Minister na si Axel Johannesen, Dahil daw sa marami ang nalipat na residente sa ibang bansa upang maghanap ng mas magandang trabaho o kaya naman ay magkaroon ng mas mataas na edukasyon at sa kalaunan ay hindi rin nagbabalik ang iba rito.

Para naman sa kababayan natin an si Antonette Egholm kahit na kakaiba ang kultura at klima dito ay maganda parin naman at maaliwas.

Pahayag ni Antonette kay TIm Ecott ng BBC, Ang mga tao daw sa Faroe Islands ay mababait at bukod dito ay palakaibigan kung ikukumpara daw sa Pilipinas ay malayong malayo dahil sa Pilipinas daw ay talamak ang krimen at matindi ang traffic.

Samantala dito raw Faroe Island ay maaari mong iwan na hindi nakakandadp ang bahay mo. At dagdag pa nito na ang mas maganda pa raw dito ay maayos ang sistema pagdating sa serbisyong medcal at kalidad ng edukasyon.

Pahayag naman ng asawa niya na si Regin, hindi raw dapat katakutan ang kanilang lugar bagkus ay subukan daw nila magpunta rito at yakapin sila. Sa katunayan daw ay sobrang nangangailangan sila ng mga bagong tao sa kanilang lugar.

“We actually need fresh blood here. I like seeing so many children now who have mixed parentage. Our gene pool is very restricted, and it’s got to be a good thing that we welcome outsiders who can have families.”

Kaya ikaw single ka ba? anong pang hinihintay mo baka nasa Europa ang iyong Mr, Right!