Netizen, ibinahagi kung paano niya naipon ang halagang P42,300 gamit ang 50 pesos sa loob lamang ng limang buwan

Ang pera ay hindi basta basta nakukuha. Kailangan pa itong pag hirapa o pag trabahuhan kaya nararapat lamang na mag karoon tayo ng disiplina sa ating sarili at matutong mag tipid upang nang sa gayon sa oras ng sakuna ay mayroon tayong dudukutin

Ngunit mahirap nga naman labanan ang tukso lalo na kung ala mo sa sarili mong “may pera ako”. Nariyan ang mga Sale, 50% off at mga promo. Maging ang mga yayaan sa galaan ay hindi ka din maka “hindi” kaya ang nangyayari, nagagastos mo din ang inihulog mo sa alikansya

Naging inspirasyon ang netizen na si Yona Abella ng madla matapos ipost ang kaniyang tips sap ag iipon gamit ang singkwenta pesos. Ang layunin ng kaniyang post ay hindi mag yabang kung hindi maka inspire ng iba

Basahin kung paano niya nagawang ipunin ang 846 na piraso ng singkwenta pesos na may katumbas na P 42,300 sa loob lamang ng limang buwan!

This is to inspire and not to brag.

50 PESOS CHALLENGE HERE’S HOW;

Yehey!!!! Daming 50’s diba? Dagdag savings. Malayo mararating mo kapag nag decide ka disiplinahin sarili mo lalo na sa savings. Kasi karamihan sa atin nag-alkansya para makapag-save pero kapag gimikan o galaan game na game at dudukot o susundutin or worst babasagin ang kanilang alkansya matuloy lang ang mga wants nila pero nasa tao naman talaga ang disiplina kung pano sila makakapag save.

Hindi natin dapat unahin ang mga wants natin, dahil ang WANTS makakapaghintay pero ang NEEDS hindi. Aminado ako before magastos akong tao pero hindi naman kasi tayo pa bata, pa tanda po tayo kaya sana isipin natin lahat ng pag gagastusan natin dahil hindi natin alam may mga respinsibilidad tayo sa buhay na dapat pag laanan ng savings. Need natin mag save habang bata pa tayo para pag dumating ang near future hindi tayo sobrang mamomoblema when it comes sa money kasi alam mong nakapag save ka.

5 Months ko po na save tong 846 pcs ng 50’s ganito ang aking ginawa, LAHAT NG 50 pesos na mahahawakan ko at invisible MUNA sakin it means di ko siya gagastusin for example nag bayad ka ng buong 500 pesos then ang sinukli sayo 4 na 50’s , yung 4pcs na 50’s dapat invisible sakin hindi ko siya pwedeng gastusin.

Kailangan yung remaining na sinukli na hindi 50’s yung lang gagastusin at pagkakasyahin ko. sobrang disiplina ginawa ko dito kasi naniniwala ako na kapag GUSTO MADAMING PARAAN, KAPAG AYAW MADAMING DAHILAN. Sana po nakatulong ako sainyo at namotivate ko kayo ng konti . Thankyou sa mga nagbasa. Godbless. Thankyou din sa ka buddy ko mag ipon at sa kumuha ng photo na yan