Isang babae na nagpakasal sa matanda, nagulat sa kanyang natuklasan pagkatapos ng kanilang kasal

Likas na sa ating mga Pinoy ang pagiging masayahin o mapag-biro kahit na nahihirapan. Kahit pa nasa bingit tayo ng kahirapan ay ngumingiti pa tayo sa kamera kung kaya`t maraming lahi ang humahanga sa ating mga Pinoy.

Kadalasan na biro ng ating mga kababaihan ay maghanap daw ng DOM o “Dirty Old Man” para daw umahon sa hirap. Ito ang isang mga biro ng kababaihan dahil malapit na daw mawala ang mga ito sa mundo at sa kanila raw mapupunta ang yaman na kanilang mapapangasawa upang makaahon sa hirap.

Samantala, ang joke na ito ay tila naging totoong buhay ng isang babaeng ito. Narito ang kanyang buong kwento:

Ang babae ay kinilalang si Jessica, Bata pa lamang ay mulat na sa kahirapan ang dalagang si Jessica.

Mamuhay kasama ang kanyang mga magulang at ang kanyang kuya na naging bread winner na ng kanilang pamilya, malinaw kay Jessica na kailangan niyang magsipag upang makatulong sa kanyang kapatid at maiahon ang kanyang pamilya sa hirap.

Ngunit dahil sadyang mapagbiro ang tadhana ay lalong nabaon sa utang ang buong pamilya. Ang kuya niyang si James, na matagal ng pangarap ang mag asawa at bumuo ng sarili niyang pamilya ay tila nawawalan na nang pag-asa.

Bukod sa wala siyang kakayanan na bumuhay ng maybahay at anak ay unti-unti na ring nagiging matanda ang binata.

Isang araw ay naging usap-usapan ang isang matanda na dumalaw sa sityo nila Jessica upang maghanap ng mapapangasawa.

Pangako ng matanda na iaahon daw niya sa hirap ang buong angkan na kanyang magiging asawa sa oras na ito ay pumayag na magpakasal sa kanya.

Halos lahat ng babae sa naturang baryo ay naenganyo, ngunit laking pagtataka nila kung bakit tila wala ni isa sa kanila ang nakapasa sa panlasa ng lalaki.

Photo illustration purposes only

At napagdesisyunan ni Jessica na dalawin ang lalaki at kausapin ito.

Agad namang namangha ang matanda kay Jessica dahil bukod sa ganda nitong taglay ay matalino din itong kausap.

Malinaw para sa lalaki na siya na ang gusto niyang mapangasawa ngunit nagulat siya noong sinabi ni Jessica na kailangan niya munang pag-isipan ang gagawin.

Sinabi ni Jessica na gagawin niya ang lahat ng ito para sa kanyang pamilya dahil mahal na mahal niya ang mga ito, namangha naman ang matanda ng husto.

At nang dumating ang araw mismo ng kasal ay takot na takot si Jessica sa mga posibleng mangyari sa kanilang dalawa gayong sila ay ganap na mag-asawa na.

Photo illustration purposes only

Subalit matapos ang selebrasyon ay naunang pinauwi si Jessica sa mansyon, laking pagtataka naman nito ng imbis na matanda ay isang gwapo at makisig na binata ang humarap kay Jessica at saka nito ipinagtapat ang lahat.

Photo illustration purposes only

Ang inakala ng lahat na matanda ay isa palang binatang tagapagmana ng isang mayamang pamilya na hindi raw naniniwala sa pag-ibig.

Ayon sa binata, napili raw niya si Jessica dahil nakitaan niya ito ng mabuting puso at wagas na pagmamahal sa pamilya.