Mag “Childhood Sweethearts” muling nagtagpo makalipas ang 20 years kung saan nauwi sa KASALAN

Ang ating kabataan ang isa sa mga masayang alaala na ating nararanasan. Ito ang mga panahon na wala pa tayong iniisip na mga problema sa buhay kundi ang mag-aral at maglaro lamang kung saan mga kaklase ang ating kalaro at minsan ay tinutukso pa sa atin.

Dahil tayo ay mga bata pa nga lang at wala masyadong alam sa mundo ito ay hindi natin sineseryoso dahil hindi rin magtatagal ay magbabago din ang ating nararamdaman habang tumatanda.

Hindi kumpleto ang iyong childhood memories kapag hindi ka nga nakaranas ng mga ganitong yugto sa iyong buhay.

Subalit kung minsan may mga pangyayaring yung taong minahal mo noon, ay siya palang iyong makatuluyan, at tinatawag nga nila itong destiny. Totoo nga kaya ito?

Ganito ang naging kwento ng talam-buhay ng mag-asawa na ngayon na sina Edil John at Melodi Lanticse.

“Childhood Sweethearts” silang dalawa noon kabataan niya ngunit nagkalayo ang dalawa noong lumipat ng tirahan sina Melodie at simula noon ay nawalan na sila ng komunikasyon.

Ngunit Sinong mag-aakala na makalipas ang halos dalawang dekada ay muli silang magkikita at ang pagkikita nilang ito ay magiging dahilan upang madugtungan ang kanilang naudlot na pagmamahalan at nauwi nga sa kasalan.

Naging usap-usapan sa social media ang kwento ni Edil at Melodie ng ito ay mag viral. 32 taong gulang sila pareho at sila ay ikinasal sa Cebu City nito lamang Enero 28, 2021.

Mayroong larawan ang bagong kasal noong mga bata pa sila kung saan makikitang tila magnanakaw ng halik si Edil kay Melodie.

Ginawa muli nila ito at ngayon nga ay sa kanila mismong kasal. Marami ang kinilig sa kanilang kwento. Ibinahagi ni Melodie na pareho silang pumasok sa iisang eskwelahan ni Edil noon ngunit nito lamang 2017 nang muli silang nagkita.

Ayon sa dalawa, muli silang nagkaroon ng komunikasyon sa tulong ng Facebook ngunit ito ay bilang mag kababata o makaibigan lamang. Dahil sa naging komunikasyon at pag-uusap nila muling nanumbalik ang tamis ng kanilang pagtitinginan sa isa’t-isa.

Sa kasalukuyan ay masayang nagsasama ang dalawa at naniniwala sila ang nakatadhana sa isa’t-isa, dahil sa tagal ng panahon, muli silang pinagtagpo at pinag-isa ng Diyos.