Panoorin: Isang Tatay kumakanta habang nagbebenta ng panindang Mini-Videoke! Kinaaliwan at Viral sa social media

Usap-usapan ngayon at hinangaan sa social media ang isang lalaki na ito na ipinakita ang kanyang talento sa pagkanta habang nagtitinda ng mini-videoke.

Sa video na ibinahagi ng netizen na si Carmen Ilao, makikita ang isang lalaki na kumakanta habang bitbit ang kanyang mga panindang mini videoke at hawak ang isang mic.

Ayon kay Carmen, natuwa at namangha daw siya kay Tatay dahil bukod sa kaniyang galing sa pag-awit, nakakaaliw din daw ang kanta na inaawit nito.

Nagtitinda raw si Tatay ng mini videoke kaya naman naisipan nitong umawit marahil upang ipakita sa mga customer ang ganda ng item na kanyang ibinebenta.

Dahil sa naturang video ni Tatay, kaagad itong naging viral sa social video ang nasabing video ay umani ng iba’t-ibang komento mula sa mga netizens.

Marami sa mga netizens ang nagpahayag ng kanilang paghanga kay Tatay dahil hindi maipagkakaila na mayroong talento pagdating sa pag-awit.

May ilan namang netizens ang naaliw din kay Tatay dahil sa napili nitong kantahin ganun din sa kaniyang mga moves habang kumakanta.

Samantala, may mga netizen naman na nagbahagi ng ilang larawan kung saan ay kanilang na encounter si Tatay habang ito ay nagbebenta at talaga naman daw na nakakamangha ito habang kumakanta.

Hiling naman ng maraming netizens na sana ay maraming mabenta na mini videoke si Tatay.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:


“Magaling talaga yan minsan kinantahan din kame nakakatuwa naman God bless po”

“Demo kung demo salute to you sir ”

“Ang galing naman ni tatay. Umuwi ka na kay nanay Naghihintay ng pera pag wala kang benta ay yari ka kay nanay!! Wahahaha!! lol!”

“Dapat yung nag video binigyan nyo sana ng TIP o kaya binilhan nyo pang bigas bigas na sana ni tatay un”