Pinoy OFW na taga-Laguna, ma-swerteng nanalo ng mahigit P136M sa isang draw sa UAE!

Sino nga ba ang hindi gustong yumaman kaya nga marami sa atin ang nangangarap at umaasa na “Sana manalo ako sa løttø”, yan ang mga katagang na naririnig natin sa karamihan sa atin na ngangarap na magbago ang buhay at maging milyonaryo ng dahil sa løttø.

Sa katunayan napakaliit ng posibilidad na manalo ng milyon milyon, kaya naman isa ka na siguro sa pinaka-maswerteng tao sa balat ng lupa kapag ikaw ang mapalad na nanalo.

Samantala, kamakailakan ay may isa tayong kababyan na isang Overseas Filipino Worker na pinalad at napabalitang instant millionaire matapos manalo sa isang draw sa United Arab Emirates (UAE) sa Fujairah.

Ayon sa isang artikulo ng Gulf News, si Paterio, 52 taong gulang at tubong Laguna, ay ang pinaka huling nanalo sa Mahzooz draw sa naturang siyudad ng tumataginging na 10 milyong Dirhams o katumbas ng 136 milyong piso.

Ang naturang OFW na si Paterio ay isang Contract Supervisor sa isang Oil and Gas Company sa Fujairah, UAE .

Walang mapaglagyan ang kanyang tuwa at labis-labis din ang kanyang pasasalamat, dahil dito malaki ang magbabago sa kanyang buhay.

Ayon kay Paterio, basta nalang daw niya pinili ang mga numerong tinayaan at inaming hindi na niya matandaan ang mga ito.

“I definitely did not think the numbers would win me Dh10 million,” ang pagbabahagi ng Pinoy expat.

Halos magdadalawang taon na rin daw hindi nauuwian ni Paterio ang kanyang pamilya dito sa Pilipinas.

Sobrang laking tulong umano ng perang kaniyang napanalunan para sa pagpapagamot ng kanyang bunsong anak na may cerebral palsy at sa pag-aaral naman ng kanyang panganay na nasa kolehiyo.

“It’s God’s blessing that I have won such a big amount.” Ayon pa kay Paterio.

“This is a life-changing moment for my family,” dagdag pa ng Pinoy na talaga namang tuwang-tuwa.

Nagtatrabaho si Paterio sa UAE ng mahigit tatlong taon na nagustuhan niya ang kanyang trabaho sa ibang bansa dahil sa maayos rin na pangangalaga ng kanyang pinagtatrabahuhan at para narin makaipon ng pera pang invest sa negosyo.

“The UAE has been my safe zone during the pandemic. The country takes care of its residents so well. Winning such a big amount makes me want to invest here in the UAE in order to secure my future and that of my family,” ayon kay Paterio

Dahil sa napanalunan na malaking pera plano naman ni Paterio na makapagpatayo ng sariling bahay ng kanyang Pamilya.

Plano rin ni Paterio na bumili ng Ford Raptor na sasakyan, hindi lang para sa kanyang sarili kundi para sa negosyong planog simulan kasama ang kanyang asawa.

“The pickup truck is for a business that my wife and I plan to invest the prize money in. I’m a normal guy who enjoys a simple, low-profile life. The fact that this money allows me to offer my family a beautiful future is the greatest gift of all for me,” paliwanag ng OFW

“I’ve spent the last decade, toiling away alone in Madagascar, Saudi Arabia and the UAE, just to ensure my family is comfortable. It’s time for me to be with them and help care for my children,” aniya pa

Samantala, ang Mahzooz Grand Draw ay isang event na ginagawa linggo linggo sa Fujairah. Kasabay ni Paterio ay mayroon pang 16 na nanalo ng second prize na 1 milyong Dirhams at 884 naman ang nakakuha ng 3rd prize na 350 dirhams bawat isa.