Salon Owner, binigyan ang kanyang mga empleyado ng 13th month pay na tumataginting na 30,000 pesos

Dahil papalapit na naman ang pasko ang ibig sabihin lamang ito ay nalalapit narin ang pagbibigay ng bonus o 13th month pay sa mga empleyado. Ito ang kabayaran sa bawat pagiging masipag at pagsusumikap ng mga empleyado sa kani-kanilang trabaho.

Samantala, kung usapang 13th month pay o bonus lamang ay hindi papahuli ang isang salon owner na viral ngayon sa social media, Ito ay matapos magbigay siya ng 13th month pay bonus sa kanyang mga empleyado ng malaking halaga.

Sino nga ba ang hindi magsisipag kung ganito kabait at kagalante ang iyong magiging amo.

Sa isang post ng Adarna Grander Hair and Nails Studio Salon sa isang lugar sa Las Piñas na ang salon owner na si Adarna Grande ang mismong nag bahagi nito.

Ibinahagi ng naturang owner ang pagbibigay niya ng sobra-sobrang 13th month pay na natanggap ng kanyang mga empleyado ngayong Nobyembre. Ang 13th month pay na natanggap ng kanilang mga empleyado ay tumataginting lang naman na Php30,000 na halos katumbas ng sahod ng empleyado na nasa gobyerno.

Dahil dito maraming netizen ang napa-hanga at napa-sana all na lamang dahil sa sobrang galante ng may-ari ng salon. Ayon pa sa ulat, malaki umano ang pasasalamat ng may-ari sa biyayang kanyang natanggap. Dahil kahit na may krisis ay mas lumaki umano ang kanyang kita dahil maraming nagpapa home service sa kanila.

Dagdag pa niya. ibinabalik lang daw niya ang mga biyayang kanyang natanggap at nagpapasalamat rin siya sa kanyang mga masisipag na empleyado dahil deserved nila ang ganung halaga.

“Deserved naman nila… Sabi nga kapag gumagawa ka ng kabutihan sa kapwa ibinabalik yan ni Lord ng sobra sobra.”

Maraming establishments ang naapektuhan dahil sa ipinagbabawal na pagbubukas. Ngunit isa ang salon na pinalad na umusbong sa kabila ng pandemya.

Pahabol pa ng may-ari, makakatanggap rin daw ang kanilang mga empleyado ng Christmas bonus sa darating na pasko kaya naman tiyak na sobrang saya ang pasko ng kanilang mga empleyado.