Isang Lolo na mag-isang namumuhay pinagawaan ng bagong bahay ng grupo ng mga Riders, kinaantigan!

Naantig ang mga netizen sa ginawang pagtulong ng grupo ng motorcycle riders sa isang matanda na 88 taong gulang na.

Ayon sa mga riders na nakilala nila ang matanda bilang si Lolo Feliciano Domingo, si Lolo Feliciano ay nakatira lamang sa pinagtapi-tagping at lumang mga yero at kahoy.

Mag-isa na si Lolo na namumuhay sa barangay ng Maab-Abaca ng Piddig Ilocos Norte. Wala na raw asawa at wala rin kasamang kamag-anak si lolo Feliciano.

Kaya nang malaman ng grupo ng motorcycle riders ang kalagayan ng matanda ay agad silang naggawa ng relief operation para makatulong.

Ang naturang grupo ng motorcycle riders ay ang Adjo Moto Club o AMC-Piddig na madalas na nagsasagawa ng mga charity work.

Nang malaman ng grupo ang sitwasyon ni Lolo Feliciano agad nilang napagpasyahan na maglikom ng pera upang maisagawa ng kongkreto ang bahay ni Lolo.

Ayon sa isang miyembro ng grupo ng Adjo Moto Club na si Dhoodz Pajita:
“Ang sitwasyon po ni Lolo is mag-isa na siya sa bahay, wala siyang anak wala din pong asawa. Mahirap po yung kanyang situation.”

Dagdag pa ni Pajita: “Yung pondo po ay galing sa lahat ng members namin bale boluntaryo po sila na nagbigay, meron po kaming mga member na nasa abroad kaya kapag nalaman po nila na mayroon po kaming charity kusa po silang nagbibigay kaya yun po ang ginagamit namin na pambili ng mga materyales”.

Walong oras ang itinagal ng pag-aayos na ito ng grupo na inabot pa ng ulan kaya bahagya pang natagalan. Inabot pa sila ng gabi sa paggawa kaya naman tinutukan na nila ito ng ilaw ng motorsiklo ang bahay upang matapos at makapagpahinga na rin si Tatay Venerando.

Bukod sa pabahay, binigyan din ng grupo ng grocery items ang lolo kaya naman labis labis ang kasiyahang nadarama nito na mababakas sa mga larawang ibinahagi ng grupo.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagbigay tulong ang grupo. Katunayan, ilang araw matapos nila itong gawin, isa namang lola na mayroong tagpi-tagping tirahan ang kanilang natulungan.

Ayon sa naturang grupo:
“For two years, pinabayaan siya ng pamilya niya. Butas-butas na ‘yong bubong tapos ‘yong yero na ginamit para sa walling ay galing lang sa mga sobra-sobra. Yung haligi, maliit din, so posibleng masira kaagad, The day ended and we were exhausted, but helping the people you don’t know and seeing them happy is the greatest happiness in the world,”