Boteng naglalaman ng ngipin at mga hibla ng buhok na hinihinalang gamit ng mangkukulam, nahukay ng isang hunter

Sa ating paglalakbay, mayroon tayong mga bagay na makikita o aksidenteng madidiskubre. Mga bagay na hindi maipaliwanag pero nakamamangha ngunit mayroon naman ding hindi pang karaniwan at nakakakilabot.

Hindi natin alam kung ano ang mga tunay na kaganapan noong unang panahon at matagal nang mga taon ang naklilipas sapagkat bumabase lamang tayo sa libro o kwento. Kaya naman minsan ay hindi tayo naniniwala hanggang sa magkaroon na ng patunay.

Isang bote ang nadiskubre ng bartender at isa ring Avid Relic Hunter na si Shane Mears na mula sa New Orleans 52 taong gulang.

Ito ay nag lalaman ng isang pirasong ngipin, mga hibla ng buhok at tila maruming tubig.

Mahilig daw talaga si Shane na mag libot at mag hukay ng mga antic na mga bagay sa iba’t ibang lugar. Kaya naman kinilabutan siya nang makita ang bote na ito.

Upang makahingi ng opinion, kaya itong i-pi-nost sa social media at samu’t sari naman ang mga ibinahagi ng netizens.

Ang ilan ay nag sasabing ibalik ito sa kung saan nakita pagkat maaaring makapagdala ng malas. Samantala ang iba ay sinabing ayos lamang na itapon na lang ito at huwag nang pakialaman kung ano man ang nasa loob.

Tinatayang 1800’s pa ang tanda ng bote na ito kaya naman sinasabi ding malabong pangungulam pagkat hindi pa uso ang pangungulam noong mga panahon na iyon.