Ina na isang OFW, labis na nasaktan matapos murahin ng kanyang anak dahil hindi nakapagpadala ng pera

Taliwas sa iniisip ng marami na masaya ang buhay kapag nasa ibang bansa, ang tunay ay napakahirap maging isang Overseas Filipino Worker (OFW) dahil marami ang kailangan mong isakripisyo sa pag-alis mo ng sariling bansa. Ang isa dyan ay ang malayo sa pamilya at iyong mahal sa buhay at harapin ang pagsubok at problema na nag-iisa.

Ang tanging magagawa mo lang ay ang long distance calls at mga mensahe sa social media sa iyong pamilya para mapawi ang lungkot at pangungulila sa kanila.

Isa pa sa mga sinakripisyo ng ating mga kababayan sa ibang bansa ay ang responsibilidad nila na maalagaan at magabayan sa pagtanda at paglaki ang kanilang mga anak.

Sobrang sakit para sa mga magulang na lumalaki ang kanilang mga anak na hindi sila kapiling at hindi nila nagagabayan, habang sila ay nag-aalaga ng anak ng kanilang mga amo sa ibang bansa.

Wala naman magawa ang ating mga kababayan dahil ginagawa naman nila ito para sa kanilang pamilya, kaya kailangan nilang tanggapin at harapin ang bawat pagsubok na darating alang-alang sa kinabukasan ng kanilang mahal na Pamilya .

Samantala, Para sa isang magulang ay wala ng sasakit pa sa naranasan ng isa nating kababayan sa nakakalungkot na pag-uusap niya sa kanyang anak na lalaki.

Kung saan umabot sa punto na isinumpa siya ng kanyang anak na lalaki matapos hindi agad ito makapagpadala ng pera dahil sa hindi inaasahang pangyayari.

Ayon sa naging palitan ng Mensahe ng isang Ina na OFW at ng kanyang Anak, sinasabi nito na nangako daw ang Ina nito na magpapadala daw sa araw na iyon. At andon na daw siya sa shop at nangakong magbabayad din doon.

Sana sa mga magulang o kamag-anak na may kaanak sa ibang bansa na nagtatrabaho, isipin din ang kanilang kalagayan lalo na malayo sila sa atin at ibang lahi ang kanilang kasama. Nagta-trabaho sila ng marangal at nagpapakahirap sana naman ay suklian natin ito ng pagmamahal hindi hinanakit.