Food delivery rider na gamit ang bisikleta nawalan ng malay sa daan dahil sa sobrang gutom at uhaw

Dahil sa kinakaharap natin pagsubok at problema dulot ng pandemya lahat ay humahanap ng paraan at gumagawa ng diskarte para kumita ng pera upang may pang bili ng pagkain araw-araw.

Lahat ay apektado at labis na nahihirapan, subalit hindi sagot ang mawalan ng pag-asa at huminto na magsumikap dahil kilala ang mga Pinoy sa pagiging matatag at madiskarte.

Katulad nalang ng isang Food delivery rider na nakita ng concern citizen na natumba at nakahandusay sa gilid ng daan dahil umano sa labis na gutom at pagka-uhaw kasabay ng sobrang init ng panahon ay nawalan ng malay sa kalsada.

Labis na nakakalungkot ang sinapit ng delivery rider na ito, sa kabila ng paghahatid niya ng mga inumin at pagkain sa mga customer ay siya mismo ay walang mainom at makain dahilan upang siya ay mawalan ng malay.

Agad siyang tinulungan ng mga taong nakakita sa kanyang nakahandusay at dug*an ang ulo. Makikita din sa kanyang mukha ang matinding pagod at panghihina dahil narin sa gutom.

Hindi basta-basta ang pagiging delivery riders lalo na sa iba na ang gamit lamang ay bisikleta. Mano-manong padyak habang sinusuong ang matinding init man o ulan.

Isa pa diyan ay ang pahirapan na makakuha ng bookings at kung minsan ay naloloko pa sila ng fake bookings.

“KAWAWA NAMAN SI KUYA GRAB NAABUTAN NAMING NAKATUMBA SI KUYA, KAWAWA NAMAN SYA MAY DUG0 ULO NYA TINULUNGAN NAMIN SYANG MAKATAYO KAWAWa NAMAN,”

Ayon pa sa post, pauwi na sana ang rider galing sa kanyang pinag dedeliver ng siya’y nakaramdam ng pagkahilo kaya ito natumba ng dalawang beses.

“Dipa pala kumakain si kuya kaya siya ay nahilo. dalawang beses siyang natumba at mabuti nalang napadaan kami sobrang nakakaawa si kuya grab??”

“Pauwe nadaw sya tapos nadaw syang mag deliver tinanong namin si kuya binigyan namin sya ng water tapos biscuit sa init siguro kaya sya nahilo”

Lahat ng netizen na nakabasa ng istorya ni Kuya delivery rider ay naawa at sa kabilang dako ay bumilib dahil sa kanyang pagpupursige para mabuhay ang kanyang pamilya.