Lalaking tumulong sa pulubi noon, “di inaasahan makalipas ang 3 years ay nabigyan sya ng biyaya ng pulubi na tinulungan

Kahit maraming dumarating na problema mayroon parin mga taon na likas na ang pagiging matulungin at bukal sa kanilang kalooban ang tumulong sa nangangailangan.

Katulad na lang siguro ng kwento ng isang lalaki na ito, ito ay ang tungkol sa kanyang pagtulong na naging inspirasyon para sa marami nating kababayan.

Kahit na mayroon siyang sariling problema sa buhay ay hindi siya nagdalawang isip na tulungan ang isang pulubi na pinagtatawanan ng mga tao sa labas ng kanyang pinagtatrabahuhan.

Ang gusto lamang ng pulubi ay makabili ng pagkain ngunit peke pala ang kanyang hawak at dalang pera. Dahil sa matinding awa ay binigyan niya ito ng pera na pambili ng makakain ng pulubi.

Ang naturang lalaki ay mayroon ng pamilya sa kasamaang palad ang kanyang asawa ay may sakit kung kaya naman siya ay matiyagang nagtatrabaho sa umaga bilang tindero sa tindahan ng pagkain at security guard naman sa isang construction site pagsapit ng gabi.

Kahit na nahihirapan sa trabaho ay matiyaga ang naturang lalaki at nagsusumikap para sa kanyang asawang may sakit.

Samantala, hindi akalain ng lalaki na matapos ang tatlong taon ay mag-aani siya sa kanyang ginawang kabaitan sa kanyang kapwa.

Dahil ang kanyang tinulungan na pulubi ay kinupkop ng isang mayamang pintor dahil sa nakitaan siya nito ng husay at galing sa pagguhit.

Ito rin ang tumulong sa pulubi upang maging matagumpay at umasenso sa buhay. Kung dati siya ay isang pulubi ngayon ay mayroon na siyang mamahaling sasakyan mga damit, ari-arian at maraming pera.

At isang araw nga ay pinuntahan ng dating pulubi ang tindero ng dumpling na sa kanya ay tumulong noon. Paglabas pa lamang niya ng magarang sasakyan ay pinagtitinginan agad siya nga mga tao. Subalit ang sumunod niyang ginawa ang talagang gumulat sa marami. Dahil pagpasok niya ng tindahan ay agad itong lumuhod at nagpasalamat sa tindero at binigyan niya agad ito ng “bank card”.

 

Hindi naman makapaniwala ang tindero nang malaman niyang ang mayaman niyang kaharap ay ang dating pulubi na kanyang tinulungan. Ang bank card na ibinigay dito ay naglalaman ng malaking halaga na naging malaking tulong sa naturang tindero upang ipagamot nito ang kanyang asawa na may sakit.

Labis ang pasasalamat ng tindero dahil sa tulong daw ng malaking halaga na ibinigay sa kanya ay nagagamot niya ang kanyang asawa at makakabili siya ng kanyang sariling pang negosyo na kanilang mapagkakakitaan na mag-asawa.