Dating tapasero nakapagtapos ng kolehiyo bilang Cum Laude at isa nang ganap na Licensed Professional Teacher

Isa nga sa ating pinanghahawakan na salita at kasabihan, ang pagiging mahirap ay hindi hadlang sa ating pangarap basta tayo ay nagsusumikap.

Dahil ang ipanganak tayong mahirap ay hindi natin kasalanan. Kaya ang kailangan ay gawin mo itong motibasyon para mai-ahon ang sarili mula sa pagiging isang kahig isang tuka patungong sa masagandang pamumuhay.

Tunay nga na ang trabaho sa bukid ay isang marangal na hanap buhay. Ngunit hindi ito sapat para sa pangangailan ng isang pamilya.

Kaya naman para sa isang taong may pangarap, sisikapin nito na maiahon ang sarili mula sa pagkakalugmok sa kahirapan sa buhay.

Katulad na lang nang ginawa ng isang ating kababayan na si Melvin Osabel Buracho na isang dating nagtatrabaho sa tubuhan mula sa Medellin, Cebu at dahil sa pagsisikap na ngayon ay isa nang ganap na licensed teacher.

Ayon sa pagsasalaysay ng buhay ni Melvin, siya ay nagmula sa isang payak na pamilya, isang kahig isang tuka. Nakagisnan na nyang sa tubuhan na nagtatrabaho ang kanyang ama at mula pa sa kanyang lolo ay pagtatabas na ng mga tubo o sugarcane ang kanilang naging hanap buhay.

Kwento pa ng binata, nagmula ang kanyang pamilya o angkan ng mga gradeschoolers o hanggang elementarya lamang ang inabot sa pag-aaral.

“I came from a family of grade schoolers. None of my family members had gone to high school. Grade 6 was the highest educational attainment my family has ever achieved– my father’s.” ani Melvin sa kanyang Facebook post. *

Naalala pa nga ng binata ang mga pangaral sa kanya ng ama na maging kuntento kung anong meron at maibigay ng magulang kaya naman silang magkakapatid ay nagsusumikap at nangangarap mag-aral.

“I could still remember his famous line saying” Walay kwarta sa skwelahan”. He never rejoiced with me with the success I earned in school. He never became a believer of a dream. He wants us to work and help them supply the needs of our family…” dagdag pa ng binata.

Batid naman ni Melvin na walang masamang hangad ang kaniyang ama, ayaw lamang din nitong masaktan siya kung hindi niya makakamit ang pinapangarap niyang diploma. Sa kabila nito ay nanatiling masipag at determinado si Melvin.

Sinunod niya pa rin ang kaniyang ama na magpatuloy sila sa pagtatrabaho sa tubuhan. Ngunit nang makakita siya ng trabaho sa isang restawran ay hindi na niya ito pinalagpas pa.

Pumasok siya at nagtrabaho ng husto rito. Pinagsabay niya ang kaniyang pagtatrabaho at pag-aaral. Hanggang sa nakapagtapos na siya ng hayskul.

Masayang masaya siya hindi lamang dahil nakapagtapos na siya sa hayskul kundi dahil marami din siyang mga karangalan na natanggap. Nakakalungkot lamang dahil hindi nagtungo ang kaniyang ama sa pagtatapos nilang ito.

Nanatiling malamig ang pakikitungo sa kaniyang ng ama dahil nga sa ayaw nitong mag-aksaya pa siya ng oras sa pagpasok sa paaralan araw-araw. Hanggang sa isang araw ay hindi inaasahang pumanaw ang kaniyang ama.

Hindi na sila nagka-ayos pang mag-ama hanggang sa huling sandali nito. Ngunit nang makapagtapos na ng kolehiyo si Melvin ay muli niyang binisita ang libingan ng kaniyang ama kung saan niya sinabing hindi na masama ang loob niya rito bagkus ay malaki pa rin ang pasasalamat niya dahil sa pagmamahal na ipinaramdam niya noong siya ay nabubuhay pa.

Iniaalay ni Melvin ang tagumpay niyang ito sa kaniyang mga magulang at mga kapatid, ngayon ay isa na siyang lisensiyadong guro!