Isang Amang mangingisda nagbayad ng malaking halaga sa kinuhang cellphone ng kanyang anak

Usap-usapan ngayon sa social media ang isang kuhang larawan ng netizen kung saan makikita ang isang ama na nagbabayad sa remittance center.

Habang nakikipag-usap ang naturang ama sa cashier ng remittance center aksidente naman naririnig ng naturang netizen ang pinag-uusapan nito.

Tatay : Mam, babayaran ko yung 3 months na hindi ako nakabayad sa Home Credit. Text ng text na sila baka makulong ako. Hehe.
Cashier : Cellphone kinuha mo Sir?
Tatay : Oo mam pero anak ko ang gumagamit. Lagi nalang nag-gagames 4,000+ ang aking dapat bayaran. Paki check na lang po mam.
Cashier : Bayaran mo `to ngayon Sir?
Tatay : Opo mam, maliit lang nga kita ko sa binebenta kong isda. Pero sige lang. matatapos ko rin bayaran to.

“Advise ko sa mga bagets, hindi tumåtaé ng pera ang mga magulang niyo. At i-check niyo muna kung kaya ba bayaranng magulang niyo ang mga luho niyo. Tingnan niyo kung kaya bang bayaran monthly? Dahil hindi lang yan ang pinoproblema nilang bayaran kada buwan. Magagalit pa kayo sa magulang niyo kung hindi nyo makuha gusto niyo pero hindi niyo iniisip ang posisyon nila bago kayo mag-demand!” -Maia Obera.

Samantala, dahil sa naturang post na ito ng netizen ay maraming ang nag komento dito at ang iba ay nakakarelate at ang iba naman ay naawa sa naturang ama.

“Tama ! kaya yung iba diyan wag magalit sa mga magulang kung hindi nabibili ang luho at gustong gamit, dahil tandaan nyo mas mahalaga na kayo ay kumakain ng sapat sa araw-araw ma-swerte kayo dahil may magulang kayo na gumagawa ng paraan para sa inyo” – Step Estel

“Saludo kami sayo tatay, lahat ng hirap at problema ginagawan ng paraan para sa mga anak. Naway swertehin ka sa buhay balang araw Tatay. God bless you” Eric Inomorable.

At para naman sa mga kabataan ngayon, wag manghihingi ng luho kung alam naman natin na hindi ito kaya ibigay ng magulang natin.

Matuto rin tayong intindihin sila. Dahil ginagawa nila ang lahat para mabuhay ang kanilang mga anak. Kaya naman mahalin natin ang mga magulang natin habang andyan sila at tayo ay matutong magpasalamat sa kanilang mga ginagawa at sinakripisyo araw-araw.