Halamang Makahiya, sinasabing mabisang gamøt at pinanglalaban sa sampung ibat-ibang karåmdåman kapag nilaga

Napag-alaman na ang halaman o dahon ng makahiya ay isa daw mabisang gamot, tinawag na makahiya ang halaman na ito dahil sa tuwing hahawakan daw ito ay tumitiklop ang dahon nito na tila nahihiya. May maraming tinik ang katawan ng makahiya at ito ay namumulaklak ng kukay rosas. Sinasabing ang tanim na ito ay nagmula sa Amerika.

Marami ang nagtatanong ano nga bang parti ng halaman ang ginagamit bilang gamot at kung paano ito ginagamit.

Maaari daw gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng mga sumusunod:

Una maaaring gamitin ang buong halaman at ito ay ilaga at ganitin sa paggamot. Maaari itong ipainom sa taong may karamdaman o kaya naman ay ang katas nito at ipahid sa balat na may kondisyon o karamdaman.

Ikalawa ang Ugat. Ginagamit ang ugat ng makahiya sa panggagamot sa pamamagitan ng paglalaga at pag-inom sa pinaglagaan.

ikatlo ang Dahon. Ang dahon ay maaaring ilaga din, o ihalo lamang sa inumin.

At ang pang apat ay ang buto. Ang buto naman ay kadalasang dinidikdik at ipangtapal sa ilang kondisyon sa katawan.

Narito naman ang mga sakit at kondisyon na maaaring magamot ng dahon ng Makahiya.

1. Hika. Nakatutulong naman ang pag-inom sa pinaglagaan ng buong halaman ng makahiya na mabawasan ang mga sintomas ng hika.

2. Dysménørrhea. Maaaring inumin ang pinaglagaan ng dahon ng makahiya para sa kondisyon ng dysmenorrhea o ang pananakit ng puson na kadalasang nararamdaman kapag may buwanang dalaw.

3. Ubo na may kasamang Pléma, Ito ay mabisa para sa kondisyon ng ubo lalo na kung may plema (dry cough) ang pag inom nilagang dahon ng makahiya ay nakakatulong magpalabas ng plema.

4. Sügåt. Inilalagay naman ang dinikdik na buto ng makahiya sa mga sugat upang mapabilis ang paghilom ng mga ito. Ang katas mula sa dinikdik na halaman ay magkapareho ang epekto din kung ipampahid sa sugat.

5. Pasa. Ang mga pasa ay maaari naman lagyan ng dinikdik na dahon ng makahiya. Makatutulong ito upang mabilis na mawala ang maitim na kulay ng pasa.

6. Almøranas. Ang pamamaga at pagsusugat ng tumbong dahil sa almoranas ay maaaring matulungan ng pag-inom sa gatas na hinaluan ng pinulbos na dahon at ugat ng halamang makahiya.

7. Diabétés. Pinaniniwalaan ding makakalunas ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng makahiya sa sakit na diabetes.

8. Hirap sa pag-ihi. Mabisa naman para sa kondisyon ng hirap sa pag-ihi o ang pag-inom sa pinaglagaan ng ugat ng makahiya.

9. Galis. Maaari din gamitin ang katas ng dinikdik na halamang makahiya para sa pangangati at pagsusugat sa balat na dulot ng galis.

10. Pagtåtåe. Ang dahon ng makahiya ay maaaring ihalo sa inumin para maibsan ang pagtåtåé na nararanasan.

Nawa’y makatulong ang lahat ng tips at kaalaman na ito, lalo na sa mga taong nakakaramdam ng ganitong mga uri ng karamdaman.

SOURCE: PLANT and PILLARS