Bahay ni Andi Eigenman sa Siargao, sinira at hindi rin nakaligtas sa bagyong Odette

Bago sumapit ang kapaskuhan ay kalunos-lunos ang sinapit ng ating mga kababayan sa lugar ng Visayas at Mindanao ito ay matapos silang hagupitin ng Super Typhoon Odette.

Walang pinili ang bagyo maging mayaman man o mahirap. Lahat ay naapektuhan halos buong Visayas ay nag pasko na walang bubong at sira ang tahanan dahil sa naturang typhoon.

Samantala, Isa sa mga kilalang personalidad na nasalanta ng bagyo ay ang dating aktres na si Andi Eigenmann at fiance nito na si Philmar Alipayo kung saan sila ay naninirahan sa Siargao.

Nitong Huwebes, December 16, 2021 ay nag-landfall si bagyong Odette sa Siargao.

Huwebes pa lamang ay nag-post na sa Instagram si Philmar para ipaalam na wala nang signal sa kanilang lugar. Ang Siargao, at marami pang lugar sa Visayas at Mindanao, ay malubhang tinamaan ng super typhoon. Libu-libong katao at mga bahay ang naapektuhan.

Sa mga oras na yon ay sunod-sunod ang post ng mag-asawang Andi at Philmar sa social media kaugnay ng mga pinsala hanggang sa paghingi nila ng tulong para sa Siargao.

Hindi pinalampas ni bagyong Odette ang bahay ni Andi, Matapos ang bagyo ay nag-post si Philmar sa Instagram ng hitsura ng kanilang bahay.

Makikita na may bahagi ng kanilang bubong ang lubos na napinsala. Natumba rin ang mga halaman sa harap ng kanilang gate.

Caption ni Philmar: “ATO BAYAY @ANDIEIGENGIRL KINAHANGLAN NA NATO NAG POLI NAN BOBONG” (Ang ating bahay @andieigengirl Need na natin magpalit ng bubong).

Nakuhanan din nila ng video ang pagpunta nila sa Catangnan, ang kanilang lugar sa Siargao.

Caption ni Andi sa video: “Catangnan. On the way to ours. wiped.”

Kita sa video na nasalanta ng bagyo ang kanilang lugar: mga natumbang puno at mga sira-sirang bahay at establisimyento.

Nang mga oras na nanalasa ang bagyo ay wala sila andi sa naturang isla. At nang humupa ang bagyo ay agad silang umuwi.

Emosyonal si Andi dahil bukod sa nasalanta ang kanilang lugar, marami rin sa mga kaibigan at mahal nila sa buhay sa Siargao ang naapektuhan.

Hindi daw mapigilan ng dating aktres ang maiyak ng makatanggap ng mensahe mula sa kanilang kaibigan na nasa isla.

Ni-repost ni Andi ang Facebook post ng kaibigang si Marja O’Donnell, na nagsabing ligtas sila, pero nangangailangan daw ng tulong ang mga tao sa kanilang lugar. Kailangan daw nila ng pagkain, damit, at malinis na tubig.

Caption ni Andi: “I burst into tears when marja messaged me. We are so grateful to finally hear from a loved one on the island and also to know that our family is safe.

“But the island is completely devastated and it would take time before Siargao recovers.”

Pakiusap pa ng aktres, “All the help would be very much appreciated.”

Labis na nagpapasalamat si Andi sa mga taong nag-abot ng tulong sa kanilang lugar.