Dating sikat na aktres at VJ, masayang namumuhay sa Amerika sa kanyang bagong trabaho matapos lisanin ang showbiz

Ang pagtatrabaho sa showbiz industry ay hindi permanente. Maaring ngayon ay sikat ka ngunit may mga pagkakataon na ang kinang ng iyong career ay mawawala.

Kaya naman may mga Pinoy celebrities na mas piniling tumahak ng ibang karera at tuluyang iwan ang industriya, gaya na lamang ng batikang aktres na si Donita Rose.

Sa loob ng ilang dekada ay naging makulay ang karera ni Donita Rose sa showbiz business. Siya ay nakilala bilang MTV VJ, Host at aktres. Ngunit nitong 2020 lamang hindi lingid sa kaalaman ng marami na tuluyan na siyang namaalam sa kanyang career bilang aktres. Sa halip ay mas pinili nitong manatili sa United States upang maging chef.

Noong nakaraang taon 2020, Ikinwento ni Donita sa kanyang mga tagahanga sa social media na siya ay permanenteng nanirahan sa Amerika.

Mas pinili raw ng dating aktres na magkaroon ng tahimik at payapang buhay sa labas ng bansa. Dito na rin daw niya ipinagpatuloy ang kanyang pangarap na maging isang chef.

Samantala, bago umalis ay nagpa-despedida party pa sa kanyang mga malalapit na kaibigan kabilang na diyan sina Ruffa Gutierrez, Karla Estrada, Sunshine Cruz, Vina Morales at Jackie Forster.

At kahit na si Donita ay wala sa Pilipinas palagi naman niyang ina-update ang kanyang mga tagahanga sa tulong ng social media.

Nito lang April naman ay masayang ibinalita ni Donita na siya ay na promote bilang Corporate R&D Chef ng Island Pacific Market.

Mayroon din daw siyang team kung saan ay kasama niya rin dito ang dating aktres na si G Tongi. Nais naman nilang pasikatin ang Filipino Cuisines sa ibang bansa.

Masaya naman ang mga tagahanga ni Donita Rose para sa kanya at ayon pa sa mga tagahanga nito kahit na wala sa showbiz ang dating aktres ay patuloy lang nila itong susuportahan.