Before and After na mga larawan ng bahay ng isang OFW, naging inspirasyon sa maraming Netizen

Ang pagiging isang Overseas Filipino Worker (OFW) ay hindi madaling trabaho, paghihirap at pangungulila ang kailangan mo isakripisyo sa trabahong ito kaya nga maituturing natin na isang bayani ang mga OFW dahil sa kanilang ginagawa para sa kanilang pamilya.

Alam natin na ang kahirapan ang isa sa pinaka unang dahilan kung bakit karamihan sa atin ay gustong lisanin ang Bansang Pilipinas at magtrabaho sa ibang bansa.

Kaya naman ito ang kanilang naiisip na turning point ang pag-alis sa ating bansa para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilya lalo na ang kanilang mga anak.

Kaya naman sila ay tinaguriang “modern-day heroes” sa ating bansa dahil sa kanilang ipinamalas na kasipagan, dedikasyon at sakripisyo.

May mga kababayan tayong hindi naging maganda ang kapalaran sa ibang bansa, ngunit mayroon din namang sinuswerte o nagtatagumpay sa kanilang pangarap.

Katulad na lamang ni Ginalyn Junkurt mula sa Tuguegarao na isang OFW sa Hongkong, na talaga namang hinangaan ng maraming netizens sa social media.

Marami ang mai-inspire sa kwento ni Ginalyn bilang OFW, Dahil sa kahirapan ng buhay ay nagdesisyon si Ginalyn na mag-abroad upang matulungan ang kanyang pamilya.

Ang perang nakukuha ni ginalyn sa kanyang pagtatrabaho ay naka-budget ng maayos at ang pinakamalaking halaga na kanyang nakatabi ay para sa pagpapagawa niya ng sariling bahay.

Ayon naman sa ibang netizen na nag komento sa naturang kwento ni Ginalyn, nasa 4,410 HongKong dollars o P28,000 ang kanyang sahod sa isang buwan.

Pinakamaliit ang budget nito para sa sarili na 110 HK dollars o 707 pesos lamang. Kaya naman hangang hanga sa kanya ang mga katulad niyang OFW dahil napakatipid niya at talagang nagtitiis at nagsasakripisyo para sa pamilya.

Samantala, bago umalis sa bansa noong 2018 si Ginalyn ay tanging barong-barung lamang ang kanilang bahay ito ay matapos masira dahil sa hagupit ng bagyo.

Lumipas ang mahigit isang taon at malaki na ang ipinagbago ng bahay nina Ginalyn. Kung ang dating tagpi-tagping kahoy, ngayon ay semento na at gawa sa matitibay na materyales.

Sa isang Facebook group “Peso Sense Savers Group” ibinahagi ni Ginalyn ang ipinagbago ng kanilang tahanan.

Source: Facebook