Lalaking 70-years old ikinasal sa babaeng 20-years old, magulang ng babae binigyan ng 30 Million

Wika nga ng marami sa pag-ibig ay walang edad na basehan maging matanda man o bata kaya nga may kasabihan taho na “age doesn’t matter”.

Subalit kung minsan ay nagagamit ang kasabihan na ito sa maling paraan. Hindi na bago ang pangyayaring may magkarelasyon na kung minsan ay matanda ang lalaki kaysa sa babae, ang ganitong pangyayare ay hindi maiwasan pag-usapan lalo na sa social media.

Lalong nadadagdagan ang tsismis kapag nagkataon na mayaman o maraming pera ang matandang babae o lalaki.

Halimbawa lamang ng viral photos sa engrandeng kasal ng isang 70-year-old na lalaki at 20-year old na babae sa bansang Thailand. Iisipin ng marami na nagkaroon lamang ng engrandeng debut ang babae at ang kasama nitong matanda ay ang tatay o kaya ay lolo nito.

Nakilala ang matandang lalaki na si Mr. Chana Jiralerspong. Ang mayaman na may-ari ng coffee empire na Khao Shong Industry.

Ayon sa ulat ng Rachfeed, sa edad na 70 ay hindi pa ikinasal si Chana. Marahil ay talagang hinihintay niya ang kanyang “The One.”

Hindi naman nabanggit ang pangalan ng 20-year-old na babae sa kahit anong blogs o reports patungkol sa engrandeng kasalan. Samantala, sa isang Facebook Page na may pangalan na ‘Big Kren’ na isang news company sa bansang Thailand, dito ibinahagi ang mga larawan ng bagong kasal.

Sinabi rin di na nakatanggap ang mga magulang ng babae na 20 million baht ($660K) o mahigit 30 million pesos sa atin. Marami netizen naman ang humusga sa bagong kasal kasama narito ang ilan sa mga kaibigan at kamag anak dahil sa malaking age gap ng dalawa.

Subalit kung pagmamasdan ang dalawa ay bakas sa mukha ng mga ito ang saya. Makikita rin sa mukha ng babae na hindi ito napilitan sa pagpapakasal kay Mr. Chan.

“We have already agreed on the wedding date, so no matter where I am in the world, I will come back to meet my wife on the day,” sabi ni Mr. Chan.

Sa kasalukuyan ay hindi parin nawawala ang pagdududa ng marami na kaya lang nagpakasal ang babae dahil sa yaman ng matanda.

Source: Rachfeed