14 yo na dalaga na mayroong UTI, isinugod sa øspital dahil gamot sa “sakit sa isip” ang naibigay sa kanya

Isang dalaga ang isinugod sa ospital dahil sa maling gamot na nainom na para sa mga taong may sakit sa pag-iisip.

Una nang sinabi ng doktor na ang dalaga ay may Urinary Tract Inféctiøn (UTI) ayon sa naging resulta ng pagsusuri dito subalit imbis na gamot para sa UTI ay ang inumin ay gamot pala sa sakit sa pag-iisip ang naibigay sa kanya.

Agad na dinala sa øspital ang dalaga matapos makaramdam ng hindi magandang side efféct dahil sa nainom na gamøt. Ang naturang pamilya ng dalaga ay naninirahan sa isang bayan sa Samar.

Ayon sa naging pahayag ng kanilang Municipal Health Officer ay wasto at tama naman ang nireseta sa kanyang gamot. “Céfåléxin tablet” para sa kanyang UTI.

Ngunit kahit pa nga tama ang naging pagsusuri sa kaniya at maging ang iniresetang gamot ay nakainom pa rin ito ng gamøt na hindi naman niya talaga dapat iinumin.

Ayon sa ilang mga ulat, ang nursing attendant o nursing aide na si Roselle Davantes ang nagbigay ng mga gamøt sa dalaga. Ito ang naging pahayag ng pinsan ng dalaga na si Dherma Velarde Malahay. Sa halip kasi na “Céfåléxin” ang ibigay sa pasyente ay gamøt na “Haløpéridøl” ang ibinigay ng naturang nurse sa pasyente.

Hindi naman maipaliwanag hanggang ngayon kung bakit nga nagkamali sa pagbibigay ng gamot samantalang ang dalawa ay magkaibang magkaiba naman ng pangalan ang mga ito.

Ang gamutan para sa UTI ng pasyenteng ito ay para sa “out-patient department” kung kaya naman agad nang pinayagan na makauwi siya ng kanilang tahanan at doon siya magpagaling.

Subalit matapos makainom ang pasyente ng naturang gamot ay agad itong nakaranas ng paglalaway, pagtirik ng mga mata at nakaranas ng “seizure o epiléptic episødés”.

Dinala ang dalaga sa Gandara District Hospital kung saan siya nagpagaling sa loob ng isang linggo. Sa kasalukuyan ay ligtas na sa kapahamakan ang dalaga ngunit nais parin ng kanyang pamilya na makamit ang hustisya sa insidenteng ito.

Nangangamba din sila na magkaroon ng hindi magandang epekto para sa dalaga ang pagkakainom niya ng gamot na hindi naman talaga para sa kanyang sakit na UTI. Pangako naman ng kanilang alkalde na magkakaroon ng patas na imbestigasyon sa nangyari.

“We will conduct a fair investigation, if evidence warrant, then maybe we can dismiss whoever responsible of the alleged giving a wrong medicine to the patient,” Pahayag ng Mayor ng Matuguinao na si Mayor Aran Boller.