Isang single mom, nag-ipon at nagpaganda matapos siyang laitin ng pamilya ng kanyang boyfriend

Lahat tayo ay may insecurities o mga bagay na kung minsan ay ayaw natin, katulad na lamang sa ating pangangatawan o kaya naman ay itsura. Kaya nga ang iba ay ginagawa ang lahat para mag iba ang kanilang itsura o pangangatawan.

Subalit ayon nga sa bibliya kung ano naman ang ibinigay at ipinagkaloob na itsura sa iyo ng Diyos ay dapat kang makuntento.

Ngunit wala naman sinabi dito na hindi rin masama ang magpaganda o pagbabago ng itsura kung ito naman ay ikasasaya ng isang tao.

Karamihan kasi sa mga tao, ang una nilang napapansin ay ang panlabas na kaanyuan. Hindi rin maiwasan na may mga taong mapanlait at masama ang ugali.

Dahil sa panlalait ng iba at panunukso may mga taong bumababa ang self confidence at kung minsan ay nauuwi pa sa pagkakaroon ng depresyon. Ang ilan sa ganitong sitwasyon ay nakagagawa ng paraan upang lumaban ang isang tao.

Katulad ng naranasan ng isang single mom mula sa bansang Vietnam. Sa mismong pamilya pa ng kanyang kasintahan niya nakuha ang panlalait at panunukso sa kanyang itsura,

Ang single mom na si Huyen, 28, mula sa Ho Chi Minh, Vietnam ay nakatatanggap na ng panlalait mula pa noong kabataan niya. Ngunit isang insidente ang talagang nagtulak sa kanya upang baguhin ang sarili.

Siya ay engaged sa kanyang Boyfriend, Sa kasalukuyan ay mayroon na silang anak at nagsasama na sila sa i-isang bahay.

Ayon artikulo na inilabas ng “Good Times”, ang mga magulang ng kanyang boyfriend ay kinumbinsi ang kanilang anak na huwag ng ituloy ang kasal dahil pangit raw si Huyen at hindi ito bagay sa kanilang anak.

Dahil sa palaging pag-aaway at hindi pagkakasundo, Iniwan si Huyen ng kanyang boyfriend.

At dito nagsimula maubos ang pasensya ni Huyen, Siya ay nagsimula mag-ipon ng pera upang magpa-plastic surgery.

Ibinuhos lahat ni Huyen ang kanyang panahon sa pagtatrabaho. Ang kanyang anak ay iniwan niya sa kanyang mga magulang at umuuwi lamang siya tuwing weekends.

Makalipas ang tatlong taon, nakaipon si Huyen ng 100,000,000 dongs o may kabuuang Php224,579.

“Since I wasn’t in the best financial situation, I had to start working without much rest after the surgeries,” sabi ni Huyen.

“On the third day after my chest augmentation procedure, I had to endure the pain and go to work. That was the most painful time in my life,” dagdag niya.

Nang magkita muli si Huyen at ang kanyang ex-boyfriend ay wala itong masabi at “speechless” sa nakita.

Sa kasalukuyan ay masayang namumuhay si Huyen kasama ang anak muling bumalik ang confident niya sa kanyang sarili at nakatulong din ito sa kanyang career.

Source: Good Times