Isang ulilang Lola na 75 yo na, akyat-baba sa bundok para lamang makapag-igib ng 3 galong tubig araw-araw

Ang tubig ay isa sa pinaka importante para sa katawan ng tao, ito kasi ang nagbibigay ng lakas sa ating katawan. Nililinis rin ito ang ating mga organs para manatili tayong malusog at lumakas ang ating resistensya.

Ngunit hindi lahat ay sagana sa tubig, dahil may iilan sa atin na kinakapos rin sa supply ng tubig. Ngunit kahit pa mahirap ang danasin at malayo ang tahakin ay gagawin natin para lamang magkaroon ng tubig at magamit sa pang araw-araw.

Ganyan ang nakakalungkot na kapalaran ng isang 75-anyos na Lola, Tinitiis niya ang pagod at matinding init para lamang magkaroon at makakuha ng tubig na kanyang kailangan sa araw-araw.

Siya si Lola Matilde, mula sa Sitio Calibasan isang Bahayan sa Toledo City, Cebu. Ang naturang lugar ay walang maayos na supply ng tubig.

Kaya naman dahil sa kawalang ng supply ng tubig, kinakailangan ni Lola Matilde na umakyat ng Bundok para lamang makakuha ng labindalawang (12) litro ng tubig para kanyang magamit sa paglilinis, panglaba at sa kanyang inumin.

Ang Kuwento ni Lola Matilde ay ibinahagi ng “Kapuso Mo Jessica Soho” isang programa sa GMA7. Ang istorya ni Lola Matilde ay may pamagat na,

“LOLA, BUWIS-BUHAY NA UMAAKYAT SA BUNDOK PARA LANG MAKAPAG-IGIB NG TATLONG GALON NG TUBIG.”

Ayon sa kwento ni Lola Matilde, sa tuwing siya daw ay kukuha ng tubig sa Bundok ay palagi daw siyang nadudulas at kung minsan ay natutumba dahil sa bigat ng mga gallon ng tubig. Ngunit lahat daw ng ito ay tinitiis niya para lamang may magamit na tubig.

“Palagi akong nadudulas diyan sa daanan. Humahawak talaga ako nang mahigpit dahil nadadala ako ng aking karga na gallon. Gumulong talaga ako diyan. Napagulong ako,” saad ni lola sa ‘Kapuso Mo, Jessica Soho’.

Dagdag pa ni Lola, mayroon naman daw na tiga kuha ng tubig sa kanilang sitio, ngunit ito daw ay hindi libre. Nagkakahalaga ang bawat gallon ng 35 pesos at para kay Lola Matilde ito ay napakalaking halaga na kaya naman hindi niya ito kakayanin.

Upang makatipid daw siya ay dalawang beses niyang ginagamit ang tubig para daw hindi ito masayang.

“Mahirap kasi kung marami kang ginagamitan, mabilis maubos. Pangkain sa baboy, iinumin, isasaing, doon din sa aso pinapanghugas. Tinitipid ang tubig. Hindi binubuhos. Imbes itatapon, ihuhugas pa.” ayon kay Lola Matilde

Sa tulong naman ng Team Kapuso Mo, Jessica Soho ay dumulog ito sa local goverment ng naturang lugar. Nangako naman ang Department of Public Works and Highways na ito ay kanilang iinspeksyunin para malagyan ng maayo na supply ng tubig.

Ang mga netizens naman ay nakikiusap sa programa ng KMJS na sana daw ay tutukan ang lugar at kwento ni Lola Matilde para daw talagang tuparin ng DPWH ang kanilang pangako na malagyan ang Sitio Calibasan ng maayos at permanenteng supply ng tubig.

Narito sa Baba ang buong kwento ni Lola Matilde,