Lalaking first time makipagkita sa kaniyang ka”Internet Love”, nadismaya at sinaktan pisikal ang nobya dahil edited lahat ng kaniyang larawang ipinapakita

Madami na ang maaaring gawin sa tulong ng modernong teknolohiya. Maaaring mapadali an gating pakikipag komunikasyon at pagkonekta sa mga tao.

Sa katunayan, usong-uso na din ngayon ang tinatawag na “internet love” na kung saan madami din ang nagpapatotoo na tunay ngang may nagkakatuluyan sa pamamagitan ng mga dating apps.

Doon nagsimula ang pag- iibigan ng dalawang Chinese na itinago sa pangalang Huang at Xiaojin. Nabighani umano si Huang sa mga larawang ipinopost ni Xiaojin sa “WeChat” dahil sa kinis ng balat, magandang hubog ng katawan at bilugang mga mata.

Nang nagkamabutihan ang dalawa ay naging opisyal silang magkasintahan kahit hindi pa sila nagkikita. Dahil sa kasabikan ay bumiyahe ng malayo si Huang upang makita at mahagkan ang kaniyang “long distance girlfriend” na si Xiaojin.

Nadismaya at nagulat siya sa kaniyang nakita pagkat ang babaeng kaniyang nakilala sa internet ay ibang iba ang hitsura sa personal. Butas butas ang mukha nito, singkit at mataba. Hindi nakapagpigil si Huang at ginulpi niya si Xiaojin sa sobrang galit.

Aniya, tila siya ay naloko ng kaniyang sariling nobya. Inamin naman ni Xiaojin na siya nga ay gumamit ng sandamakmak na filters at beauty app upang mapaganda ang kaniyang sarili sa larawan ngunit gayun pa man, ang nakilala ni Huang sa internet at ang babaeng kinatagpo niya ay iisa lamang.

Sa katunayan, nagdesisyon si Xiaojin na ipakita ang kaniyang totoong sarili noong araw na sila ay magkikita ngunit walang natanggap si Xiaojin kundi pambubugbog mula kay Huang.

Dinala sa ospital si Xiaojin upang ipagamot ang mga sugat na kaniyang natamo at agad nang umuwi si Huang pagkatapos makipag settle sa police.