Magkakapatid tanging niyog, toyo at asin ang kinakain sa araw-araw matapos maulila sa kanilang mga magulang

Ang pagtataguyod ng Pamilya ay hindi biro ito, saksi tayo sa hirap na pinagdaraanan ng ating mga magulang para lamang maitaguyod ang kanyang mga anak. Ngunit paano pa kaya kung wala ang mga magulang na sumusuporta sa mga anak siguradong lalong magiging mas mahirap ang daranasin ng ating mga buhay.

Katulad ng kwento na ating pag-uusapan, Ito ay ang Kaaawa-awang magkakapatid na ulila na sa kanilang mga Magulang na nagsasalo-salo sa pagkain na Niyog, Toyo at Asin. Minsan ang magkakapatid daw at pumapalaot sa dagat upang manghuli ng Isda at nang may makain.

Ang naturang kwento ng Magkakapatid ay ibinahagi ng concerned citizen na si Jopay De Guia sa kanya mismong Facebook account kasama sa naturang post ang nga larawan ng Magkakapatid na nagsasalo-salo sa Niyog, Toyo at Asin. Nakatira ang magkakapatid sa Bicol, Purok 1A, Brgy. San Roque, Mercedes Camarines Norte.

Ayon kay De Guia umaabot daw sa punto na wala ng makain ang magkakapatid kaya naman tinitiis na lamang ng mga ito ang gutom sa maghapon.

Tanging ang panganay sa magkakapatid lamang ang naghahanapbuhay sa mga ito sa pamamagitan ng pangingisda sa dagat. Nabanggit din ni De Guia na ang Ama ng mga magkakapatid ay pumånåw noong August 2020, samantala ang kanilang Ina naman ay sumama sa ibang Lalaki.

Narito naman sa baba ang kabuang post ni De Guia at panawagan na matulungan ang Magkakapatid.

“Eto po ung mga bata na wala ng mga magulang salo salong kumakain ang ulam ay nyog at soy sauce lang minsan asin kong minsan naman wala po talagang makain nagtitiis na lang ng gutom.

Bukod tanging nag hahanp buhay lang sknla ay nakakatandang kptd nila sa murang edad sumasabak na sa paglalaot s dagat ang kanilang ama po ay kαкαмαтαу lang noong August 17, 2020 ang kanilang ina naman po ay sumama na sa kabit hiling ko lang po na sana may mabuting puso na tumulong sa mga magkakapatid nato dahil hindi naman po sumasapat ang tulong namin magkakapitbahay.” Address- Bicol purok 1A brgy San roque Mercedes Camarines norte.. Contact number- 09385153341″