Marian Rivera, bumuwelta sa mga bashers sa kanyang pagsasalita ng Ingles: “Aanhin ko ang kagaligan sa pag-i-Ingles”

Isa sa mga sikat at bigating artista ngayon sa mundo ng showbiz ay ang Kapuso award-winning actress na si Marian Rivera-Dantes.

Hindi lang siya nakilala dahil sa kanyang husay sa pag-arte bagkus nakilala rin siya dahil sa isa siya sa mga female celebrity na may pinakamagandang mukha at pinaka-seksi sa entertainment industry.

Para sa kaalaman ng marami si Marian ay isang Filipino-Spanish, Kaya naman madalas inaasahan ng karamihan na siya ay magaling magsalita ng Ingles.

Subalit ito ay taliwas sa naging viral na pahayag ng aktres tungkol sa isyu ng pagsasalita ng Ingles na binabato sa kanya ngayon ng mga taong bumabatikos sa kanyang karunungan sa paggamit ng banyagang wika.

Ayon sa aktres, aminado siya na siya ay hindi kagalingan at bihasa sa pagsasalita ng Ingles, Pero para sa kanya hindi naman ito sukatan ng galing at katalinuhan ng isang tao.

“Kapag hindi ka ma­galing mag-Ingles pero ma-prinsipyo ka sa buhay mo, kapag mapagmahal kang anak, mabait kang kaibigan, ibig sabihin pa nu’n bøbø ka?” buwelta ng Kapuso Star.

Deretsahang sagot ni Marian na kung ang basehan ng pagiging matalino ay ang kagalingan ng isang tao sa pagsasalita ng Ingles ay mas pipiliin niya na lang na ‘wag na lang maging matalino.

Sinabi pa ng aktres na aanhin pa daw niya ang pagiging bihasa sa pagsasalita ng Ingles ng ibang tao kung wala naman itong diskarte sa buhay at hindi bibigyan ng halaga ang mga taong nasa paligid nito.

“Aanhin ko ang kagalingan sa pag-i-Ingles kung hindi naman ako marunong dumiskarte at hindi ako mapagmahal sa mga magulang ko, o nakakalimutan ko ang mga kaibigan ko. Kung ang definition ng pagiging matalino ay mag-English lang, ‘wag na lang akong maging matalino,”

Kaya naman para sa aktres, hindi mahalaga sa kanya kung magaling man o hindi magsalita ng Ingles ang isang tao. Basta’t nagiging matagumpay sa buhay sa pamamagitan ng pagsisikap at diskarte ay sapat na.