Narito ang mga rason kung bakit malaki ang iyong tiyan o bloated stomach

Iniisip ng maraming tao na sia at mataba dahil sa kanilang malaking tiyan ngunit hindi nila alam, sila ay bloated lamang na kadalasang problema tuwing kumakain ng marami.

Ang iba ay nagtataka kung bakit payat sila ngunit bloated ang kanilang tiyan palagi. Sa katunayan, mayroong ilang mga rason kung bakit tay nagkakaganito.

At iyan ang ating tatalakayin sa article na ito, Gamit ang mga impormasyong ilalahad sa ibaba ay malalaman mo ang mga dahilan kung bakit ka bloated at kung paano ito malulunasan at maiiwasan.

HINDI KA UMIINOM NG SAPAT NA DAMI NG TUBIG

Alam naman natin na ang tubig ay mabisa sa pagpapagaling ng mga karamdaman. Ito ay natural na kailangan ng ating pangangatawan sa araw araw upang suportahan ang ating katawan.

Kapag ang tao ay hindi umiinom ng sapat na dami ng tubig, ang kanilang organisms ay magsisimulang gumamit ng mga liquids sa loob ng ating katawan na magiging dahilan ng fluid retention na isang pangunahing dahilan ng bloated stomach.

Palagi ding tatandaan na ang pag inom ng kape o alak ay karaniwang dahilan din ng fluid retention sa ating katawan kaya siguraduhin na makainom tayo ng 6 hanggang 8 baso ng tubig upang malinis ang mga hindi kailangang compound galing sa kape at alak na iyong ininom.

CONSTIPATION

Kung ikaw ay madalas na nakararanas ng constipation, siguraduhing sapat ang iyong kinakaing fiber sa iyong diet dahil makatutulong ito sa mabilis na pagtunaw ng pagkain at mabilis na maiwasan ang bloated stomach. Huwag din sobrahan ang pagkain ng fiber na maaaring magpalala sa iyong sitwasyon.

MASYADO KANG STRESS

Ang sobrang pagka- stress ay isang dahilan ng bloating. Kapag ang iyong utak ay nagsimula nang mastress, hidi din gumagana ng maayos ang iyong digestive system na nagiging dahilan ng pagsakit ng tiyan at cosnstipation. Ang pagtanggal ng stress ay makakabawas ng pagiging bloated ng iyong tiyan.

MASYADO KANG MABILIS KUMAIN

Ang pagkain ng mabilis at hindi pagnguyang mabuti ng mga kinakain ay maaaring makaapekto ng iyong digestive system. Dahil hindi pa ito gaanong nanguya, mahihirapan ang ating tiyan na tunawin ang mga ito

CARBS

Nito lamang ay napag- aralan na ang pagkain ng sobrang carbs ay nagdudulot ng bloating stomach. Kaya naman ugaling simulant ang inyong araw sa pagkain ng low carbs food para maiwasan ang pagiging bloated.

Palaging tandaan na kumain ng masusustansya at mag ehersisyo sa araw- araw upang maiwasan ang mga ganitong sitwasyon.