Sikat na Celebrity Singer, nagtayo ng Restaurant kung saan libre ang pagkain para sa mga mahihirap at donasyon sa mga may-kaya

Masarap sa pakiramdam ang makapagbigay ka ng tulong sa iba lalo na sa mga taong labis na nangangailangan nito, ayon nga sa kasabihan “It’s better to give than to receive” maliit man o malaki , gamit man o pagkain ay napakalaking tulog na para sa iba.

Ganyan ang ipinamalas na kabaitan ng sikat na Rockstar na si Jon Bon Jovi. Nagtayo siya ng isang ‘restaurant’ na tinatawag niyang “Soul Kitchen”.

Ngunit ang kanyang itinayo na restoran ay hindi pangkaraniwan tulad ng nakikita natin sa mga mall o ibang mga establisyimento. Ang restoran na ito ni Bon Jovi ay para makakain ang mga taong nangangailangan ng pagkain at ito ay libre at pwede silang mag volunteer kapalit ng kanilang kinain.

Samantala, para naman sa ibang taong nakaangat sa buhay na nais mag bayad ay hinihingi lamang sila ng dalawampung dolyar ($20) bilang donasyon. Sa restawran ito magkakasama ang lahat na kumain sa isang malaki at mahabang lamesa.

Unang nagtayo ng soul kitchen si Bon Jovi kung saan siya isinilang ito ay sa New Jersey. Simula ng ito ay itinayo nakakapagpakain na sila ng halos 100,000 kataong na labis nangangailangan.

Madalas rin makita ng ibang mga kustomer ang sikat na rockstar dahil kung minsan ay mismong si Bon Jovi ang nagluluto ng pagkain para sa kanyang mga kostumer.

Dahil rin sa restoran na ito ni Bon Jovi, naging daan din ito na ma enganyo ang halos buong komunidad na tumulong din sa mga taong labis na nangangailangan.

Ayon naman sa Rockstar hindi lang pagpapalago ng negosyo ang kanyang pangarap, dahil mas gusto niyang makarating at makapagbahagi ng kanilang natatamasa sa buhay sa mga taong mahihirap lalo na sa panahon ngayong pandemya.

Dasal naman ng marami na naway maging daan ang proyekto na ito ni Bon Jovi para dumami pa ang mga taong nakakaangat sa buhay na magbigay ng tulong sa mahihirap.

Source: Bored Panda