Lalaking tanging nais maghanap-bühay ng marangal sa Facebook Live, nilait dahil sa kanyang hitsura

Sa panahon ngayon ay napakahirap kumita ng pera dahil halos lahat ay apektado ng pandémya. Kaya naman bawat sentimo ay talagang napakahalaga at kailangan natin itong pagkasyahin sa araw-araw.

Kaya kung ikaw ay isa sa mga may trabaho ngayon at kumikita ay napaka swerte mo. Isa sa naging epekto ng pandemya ay maraming Pilipino ang nawalan ng trabaho at marami rin negosyo ang napilitan magsara dahil na rin sa kakulangan sa kita.

Dahil dito ang iba sa atin ay pinapasok ang lahat ng trabaho ng maaaring pagkakitaan basta marangal. Katulad na lang ng isang lalaki na ito na gumawa ng paraan upang makapagpatuloy sa paghahanapbuhay.

Sinubukan ng lalaking ito na magtinda ng mga damit online kahit pa nga kadalasan ay mga kababaihan lamang ang makikita gumagawa nito.

Ayon sa kwento ng netizen na si Nick Jairo Joachico. Ito raw ang unang beses mag live sa Facebook ng taong ito upang magkaroon ng benta sa kanyang mga panindang damit subalit sa kasamaang palad ay marami agad na taong manghusga at manlait sa kanyang pisikal na anyo.

Ayon sa ilang mga mapanghusgang netizen na nagkomento sa ginawang “live” ng taong ito ay mukha itong nagtutulak ng ipinagbabawal na gamot dahil sa kanyang mga lubog na mata at payat na pangangatawan.

Mayroon ding ilan pang mga netizens ang nagbiro na isang kilo ang kanyang kukunin na tila ba nag papatungkol na nagtutulak ang naturang lalaki.

Subalit kahit na marami ang nag komento ng hindi maganda mula sa ilang netizen, patuloy parin sa pag-aalok at pagtitinda ang masipag na lalaki.

Tandaan ng lahat na kahit kailanman ay hindi naging tama ang mang-insulto at manghamak ng ka lalo na sa mga taong wala naman ginagawang masama at nais lamang kumita ng pera para sa pamilya.