Aktres na si Pokwang, naawa sa taong nanloko sa kanya matapos malaman ang tunay na estado ng buhay nito

Humanga ang maraming netizen sa aktres na si Pokwang tungkol sa kabutihan ng puso nito, ito ay matapos siyang makapanayam ng host na si Ogie Diaz.

Sa nasabing panayam, naging emosyonal ang aktres ng ikwento nito kung paano siya nagoyo ng taong kanyang pinagkatiwalaan.

Ayon kayo Pokwang, 58,000 umano ang itinakbong pera sa kanya ito ay pang paggawa sana ng malaking ihawan na kanyang gagamitin sa kanyang negosyo.

Kwento pa ni Pokwang, hindi siya makapaniwala na siya ay lolokohin pa nito dahil ito rin daw ang kanyang laging kinukuha kapag siya ay may ipapagawa na mga gamit.

Ibinahagi naman ni Pokwang kay Ogie na dapat ay ipapa-Tulfo na niya ang tinutukoy niyang nanloko sa kanya. Ngunit aniya mas nangibabaw umanonang awa sa kanyang puso.

“Pero nung tiningnan ko sa Facebook ‘yung kalagayan nila, nawala ‘yung galit ko,” saad ni Pokwang.

“Naiinis pa rin ako kasi feeling ko tutulungan ko na kayo e… Nakita ko may maliliit na anak,”

“Pero sana nagsabi na lang kayo sa akin kung ano para natulungan ko pa kayo, kasi ‘pag pinost ko yun sa social media ko marami pang oorder sa’yo e, di ba?” dagdag pa nito.

Dagdag pa ng aktres nasaktan daw siya sa pangyayaring iyon, Dahil ang nais niya lang daw ay kumita ng extra lalo na sa panahon ngayon na may pandemya at para na rin daw makatulong sa maliliit na negosyante.

Sa huli saad pa niya, “Naaawa lang din ako sa sarili ko na tumulong ka na’t lahat, pinagpaguran po na yung pera na yun, pinagpuyatan ko, pwede pa akong magka-C0VID dahil lumalabas ako magtrabaho lang, tinutulungan mo na, ganoon pa”