Isang Batang inakalang nawawala sa pamamasyal, laking gulat at tawa ang hatid nito ng matagpuan ng kanyang Nanay

Talagang ikaw ay mababahala kung sakaling mawala sa iyong paningin ang iyong anak sa isang lugar na maraming tao dahil maaaring ito ay hindi mo na makita at makuha ng ibang tao.

Kaya naman ganun na lamang ang pasasalamat ng isang ina na ito at ang kanyang nararamdaman ay lumuwag luwag ng kanyang matagpuan ang anak na nawala panandalian sa kanyang paningin sa lugar kung saan maraming tao.

Sa Facebook post ni Judah Abonitalla ibinahagi niya ang karanasan sa isang home supply store sa Cagayan de Oro kasama ang kanyang mga anak.

Habang naghihintay ng kanilang sundo matapos ang paglilibot at pagwi-window shopping ng mag ina, napansin niya na lang na nawawala ang kanyang 3 taong gulang na anak na si Zacc.

Kahit na hindi na malaman ang gagawin ay nanatiling kalmado at mahinahon si Judah upang hanapin ang kanyang anak, siya ay walang patid sa kakasigaw at katatawag ng pangalan ng bata sa bawat sulok ng naturang lugar.

Ngunit binalot ng takot ang ina nang tanging tsinelas na lamang ng bata ang kaniyang matagpuan.

Halos magsisigaw na ang ina sa paghahanap at napatigil na lang ng may narinig na boses at nakita ang anak na pormang matutulog sa isang estante ng nasabing shop.

Nakakatuwang pagmasdan ang naturang bata dahil nakahanap ito ng lugar kung saan makakapag pahinga at nakuha pa nitong magtanggal ng kanyang tsinelas na para bang siya ay nasa sarili niyang kwarto.

Siguro ay dala ng pagod sa pag-iikot ng mall kaya ito nakatulog.

Taliwas sa ibang bata na sobrang kulit at likod lalo sa mga ganitong lugar. Si Zacc ay naghahanap ng lugar kung saan siya ay magiging komportable.

Dahil sa pangyayaring ito maraming netizen ang natuwa at naalis sa Facebook post ni Judah at sa mga larawan ni Zacc habang natutulog.

Narito ang naturang post ng ginang at komento ng ilang netizen: