Kilalanin ang tinaguriang “The Most Beautiful Woman and Most Expensive Model” sa buong mundo na mula sa Southern Sudan

Siya si Anok Yai na mula sa Southern Sudan, Ipinanganak siya noong December 20, 1997. Kamakailan ay naging maingay ang kanyang mga larawan sa social media at ito ay tinanghal bilang “The Most Beautiful Woman and Most Expensive Model”. Ayon pa sa ranking ng mga modelo si Anok Yai ay nasa Top 50 sa buong mundo.

Bukod pa sa taglay na kagandahan ni Anok Yai, Kilala rin siya bilang magaling na modelo. Ang kanyang Fashion Photography ay umaabot sa $15,000 kung nasa Philippine money ay aabot ng P728,332 na talaga naman napakalaki para sa isang modelo.

Siguro ay dahil sa kanyang pagiging magaling na modelo kaya maraming endorsement companies ang nagkakagusto sa kanyang mapang-akin na katawan at mukha.

Sa kanyang Instagram umaabot na sa kalahating milyon ang kanyang mga followers.

Samantala, Isa sa kanyang mga photographer ng siyang nagbahagi sa social media ng mga larawan ni Anok Yai kaya naman lalo itong nakilala dahilan para makuha ito sa New York Top Modeling.

Ang “Racism” ay isa sa hadlang dahil nagdudulot ito ng hindi pagkakaroon ng mabuting ugnayan. Kadalasan may ibang lahi ang tingin sa kulay itim na balat ay hindi maganda.

At dahil kay Anok Yai, pinatunayan niya lang na hindi hadlang ang racial color para ipagpatuloy ang pangarap at para maabot ang tagumpay kailangan ay maniwala ka lang na ito ay iyong maabot.

Kahit pa anong panghuhusga o diskriminasyon ang dumaan sayo ay wag kang hihinto na abutin ang iyong pangarap katulad ni Anok Yai.

Baka ikaw nawawalan ng pag-asa na hindi mo alam ay isa ka sa pinaka-magaling sa paningin ng iba. Akala mo ikaw ay hindi maganda o gwapo pero para sa iba ikaw ay sobrang ganda at gwapo. Baka akala mo din ay maraming may ayaw sayo pero hindi mo alam ay gusto ka ng iba dahil sa kabutihan mo.