Mga Single, dinadayo ang “gayuma” sa Quiapo dahil sa papalapit na Valentines!

Tunay ngang kay bilis ng paglipas ng panahon. Parang noong nakaraan lang ay Pasko, at Bagong Taon. Kaunting tulog na lamang ay buwan na ng Pebrero na kung saan isa sa mga inaabangan ng mga mag kakasintahan ang buwan ng mga puso ng mga magkasintahan, magkaibigan at maging pamilya.

Nakakainggit nga naman ang mga may mga katuwang na sa buhay, masaya at nahanap na ang true love. Ikaw? Sawa ka na bang maghintay? Dinadayo ngayon ang “gayuma” sa Quiapo kung saan maraming naniniwala sa ganitong bagay.

Naniniwala ka ba sa gayuma o Love spell kung tawagin?

Mayroon daw chemistry ang mga ito ngunit hindi scientific. Ito lang naman ang mga konsepto ng tinatawag na gayuma na tinitimpla at dinadasalan ng di umanoý mga manghuhula at babaeng shaman. Folk mysticism ang bansaf ng ibang tao dito.

Sa iba, isa daw itong uri ng black magic. Dahil na rin daw sa karaniwang mga manghuhula ang nagbebenta nito. Negosyo kung ito ay maituturing. Maaaring ang iba ay “donasyon”lang ang hinihingi, gayun pa man ay pinag kakakitaan nila ito. Magkakatabi ang mga nagbebenta ng love potion sa Quiapo sa tabi ng simbahan.

Nangangailangan din daw ito ng panata at matinding paniniwala ng mga nanggagayuma para lubos ang epekto nito. Madalas ay sinasamahan din ito ng dasal o orasyon na kailangang bigkasin para din makuha ang hinahangad na pag ibig.

Nasa sa iyo na lamang ang magiging desisyon ngunit marami pa din tayong naniniwala na ang tunay na pag-ibig ay hindi nadadaan sa gayuman kundi sa totoong pagmamahal.