Food Panda, inirereklamo ng mga small businesses kung saan inilabas nila ang mga hinanain dito

Marahil sa panahon ngayon ay in-demand at tinatangkilik ng mga tao ang mga pagpapadeliver mga gamit man o pagkain. Dahil sa kinakaharap na pandemya ay talagang mas ligtas ang pag-order online at delivery para maiwasan ang pakikisalamuha sa iba.

Isa nga sa mga kilalang delivery app sa bansa ay ang FoodPanda, subalit kahapon nga lang ay naglabas ng sama ng loob ang isa sa mga partner nito na fastfood na “Mama Dith’s”.

Ayon sa post mismo ng Mama Dith’s, ang kanilang serbisyo daw ay tuluyan ng umalis sa pakikipag partner sa FoodPanda , ito ay matapos madalas hindi ibinibigay ng FoodPanda ang sales o kita ng Mama Diths mula sa mga order ng tao.

Sinabi rin ng Mama Diths sa kanilang post kahit nga raw sila ay luge sa porsyento at hatian sa komisyon sa FoodPanda ay tinanggap nila ito subalit habang tumatagal ay iniisahan daw sila ng FoodPanda at maging ang kita na dapat ay mapupunta sa FastFood ay hindi na ibinibigay ng FoodPanda.

Dagdag pa ni Mama Diths na mas maganda ang serbisyo ng Grab kumpara sa FoodPanda para sa kanila, dahil ang Grab ay araw-araw nag reremit sa kanila ukol sa na-order ng mga customer.

Kaya naman agad ipinarating ng “Mama Diths” sa kanilang mga customer ang nangyaring panloloko sa kanila ng FoodPanda.

Dahil dito maraming netizen ang naglabas ng sama ng loob at nagkomento laban sa FoodPanda.

“Dapat ma imbistigahan po ito ng DTI! Grabe pangwawalangya nila sa business owners.” -Abram Alcedo.

“Korek ka po dyan.. mag grab nlang..sa iba 1ms minsan delay pa,mainam lang yan sa malalaking chains pero di pa din praktikal..”-Albello Montinola Espiritu.

“Nangdededuct din sila kahit hindi delivered ang item tapos sasabihin hindi pwede refund. Putaena moka foodpanda.” -Faith Caranguian.

NARITO NAMAN ANG KABUUANG POST NG “MAMA DITH’S” :

Hi Mga Anak! Narinig niyo na ba ang chismis?

Napansin niyo siguro since last December 2021 ay lagi kami naka-close sa napakagaling na #FOODPANDA. SO ETO NA NGA…

Dahil ‘yan sa hindi nila PAGREMIT NG SALES ko nung NOVEMBER. Hindi na nga kami nagrereklamo sa 2-week payment scheme (yes, dalawang linggo pa bago namin makuha yung kita ng pinaghirapan naming i-prepare at lutuin para sa inyo), aba, naging 2 months pa!

Grabe, ‘no? Sa GRAB, araw-araw sila nagreremit samin (Go Grab!). Bakit niyo nga ba tinatabi nang 2 weeks pera namin. Bangko yarn? AT ITO PA mga Ka-Marites…

Para sa small business na tulad ko, pumayag ako sa 27% commission nila before pandemic (kahit na halos kainin na ang profit margin namin!), pero starting June 2021, nagsimula na rin sila maningil ng additional 12% para daw sa tax nila plus P1K++ AGENCY FEES (???) daw na wala naman sa original contract!

SO, ANO NA LANG NATIRA SAMIN?

Hindi pa diyan nagtatapos!

‘Diba nga, “partners” daw kami? Eh bakit pag kaming mga vendors ang may problema sa app or remittance nila, through email or chat lang sila pwede i-contact? Pero pag sila may problema sa amin, aba, kung makatawag at demand, grabe! At kapag nadetect pa na nakaclose store mo, talagang kukulitin ka sa mga automated calls.

ITO NA NGA NANGYARI… Ilang beses namin sila in-email at chinat sa chat support platform for almost two months. Laging sagot “iimbestigahan” daw nila. Buti na lang recently naisipan ko isama sa email yung DTI. Ayun, binigay agad nila! Akalain mo yun!? Takot sila sa DTI pero sa vendors WALA SILANG PAKE!

Kaya tuluyan na rin namin ititigil ang ONE-SIDED “partnership” kuno sa FOODPANDA. Kawawa ang small business owners.

Kung nais niyong mas masuportahan ang mga small business owners tulad namin, through DINE-IN, GRAB, or for pickup na lang ha!  Maraming salamat, mga anak!

Narito rin ang ibang reklamo ng mga umalis na sa Food Panda kung saan inilabas din nila ang kanilang mga hinanain.

 

Source: Mama Dith’s