Lalaking Palaboy, Nakatanggap ng Bahay at Trabaho matapos isauli ang napulot na Pitaka na pagmamay-ari ng isang Negosyante

Marami tayong makikita na mga taong natutulog sa lansangan, Yung tipong kalsada na ang ginagawa nilang bahay dahil wala silang sariling tirahan at wala rin sila maging ang pambili ng kanilang pagkain.

Ang nakakalungkot pa rito ay mayroong mga palaboy na nagagawang kumapit sa patalim dahil wala sa hirap ng buhay at wala ng makain.

Dahil dito, nagiging mababa ang tingin ng iba sa kanila at kung minsan ay nialalayuan pa sila.

Subalit mayroon naman mga palaboy na nagpapatunay na hindi lahat ng katulad nila ay masama ang intensyon at marumi ang pagkatao.

Ganyan ang pinatunayan ng isang matandang palaboy na ito, matapos niyang kusang ibalik ang kanyang pitakang napulot.

Ibinalik ito ng matandang palaboy na walang hinihintay na kapalit o kung ano mang pabuya.

Taong 2016 nang malaglag ng Negosyanteng si Nitty Pongkriangyos mula Thailand ang kanyang pitakang Hermes na naglalaman ng THB 20,000 na kung ipapalit sa pera natin ay may katumbas na P30,000.

Para kay Nitty ang perang ito ay malaking halaga na rin kaya naman hindi na siya umaasa na ito ay maibabalik pa sa kanya.

Samantala, Isang araw ay may bigla na lamang daw tumawag sa kanya mula sa pulisya at sinabing mayroon daw taong nakapulot ng kanyang nawawalang pitaka.

Agad-agad naman nagtungo si Nitty sa nasabing istasyon ng Pulis. Laking gulat ng negosyante na isang matandang palaboy ang nagsauli ng kanyang pitaka.

Siya ay walang iba kundi si Tatay Warlop. Labis ang saya at paghanga ni Nitty sa matanda. Dahil imbis daw na ito ay itago na lamang upang may ipanggastos sa sarili ay mas pinili raw nito ibalik sa totoong may-ari.

Dahil sa labis na paghanga ng mayamang negosyante, Bilang pasasalamat ay hindi pera at pagkain ang kanyang ibinigay dito. Kung hindi isang tinutuluyang apartment.

Bukod dito ipinasok pa si Tatay Warlop ng negosyanteng si Nikky sa kanyang kumpanya upang mabigyan ito ng permanenteng trabaho upang tuloy tuloy ang pagkita niya ng pera para pang gastos.

Si tatay Warlop ay halos dalawang taong pagala-gala sa lansangan. tanging kabutihang asal at pagiging matapat pala ang makakapagpabago ng takbo ng kanyang buhay sa malinis na paraan.

Maging ang asawa ng negosyanteng si Nitty ay natuwa at nagpapasalamat kay Tatay Warlop dahil sa kabayanihan nito. Dahil dito sinamahan pa niya si Tatay na mamili ng mga gamit sa apartment na tutuluyan nito upang makapagsimula ng panibagong buhay.