Netizen na nakabili ng pékéng gamot, nagkaroon ng masamang epekto sa katawan

Sa panahon ngayon nauso ang såkit dahil sa malamig na panahon kaya naman nagkakaubusan ng mga gamøt sa pamilihan. Kaya naman ang iba ay sinasamantala ito at nakukuha pang manloko ng kapwa para lamang kumita subalit para sa iba ay malaking problema ito kaya naman ang isang netizen ay pinag-iingat ang lahat na maging mapanuri sa mga gamot na bibilhin.

Ayon sa netizen, mag-ingat ang lahat ngayon dahil sa kumakalat na pekeng gamøt sa mga pamilihan dahil isa ang kanyang pinsan na biktima ng pekeng paracetamol na biogesic.

Saad ng netizen sa kanyang social media account :
“Nakabili po ng pekeng gamøt ang pinsan ko sa tindahan at ininom ng tita ko dahil sa hindi naman nila alam kung fake or original ang mga gamot ininom niya ito”

Ilang minuto pa lang daw ang nakakalipas ay nagkaroon ng mga pantal sa katawan at pamamaga ng mukha ang pinsan nito matapos inumin ang nasabing paracetamol.

Pagpapatuloy pa nito sa kanyang Facebook post :
“Nangyari namamaga po ang buong katawan at mukha puno ng pantal, nakakalungkot mang isipin pero kapwa kababayan natin ang nanglol0ko saatin para lamang kumita ng pera”

“Imbis na gumaling eh, nadagdagan pa ang nararamdaman dahil sa nainom na pékéng gamot, kaya sa mga nagtitinda po ng mga gamot pakitignan nyo po baka peke ang binebenta niyong mga gamot”

” Lesson learn bago uminom ng gamot ugaling suriin muna po ito kung tunay o peke ang mga gamot bago ito inumin”

Kaya naman sana ay maging paalala at babala ito sa lahat na maging mapanuri at huwag basta basta bumili ng gamot kahit na ito ay mura. Mainam na bumili ng gamot sa mga lisensyadong pamilihan tulad ng Mercury.