Lalaki na hindi marunong sumulat at bumasa, napagtripan ng mga tambay matapos isulat sa kanyang sobre “Pang Redhorse lang”

Makikita sa mga larawan ang isang lalaki na may hawak ng sobre, siya ay hindi marunong sumulat at bumasa kaya naman siya ay humingi ng tulong sa mga tambay na sulatan ang kanyang sobre subalit na ayusin ay ganito pa ang ginawa ng mga tambay kay Tatay.

Hindi lubos maisip na mayroon talagang mga tao na imbis na tulungan ang kapwa ay nagagawa pang lokohin.

Saad ni tatay lumapit siya sa mga tambay na at may dalang pentel pen at sobre humingi ito ng tulong na sana’y sulatan ang kaniyang sobre na lagyan ng:

“Pangbili ng pagkain po” ngunit imbis na gawin ang sinabi ni tatay ay isinulat ng mga ito “Pang Red Horse lang”

Pagkatapos sulatan ng mga tambay ay agad sinabi ng mga ito kay atay na okay na daw at maayos na ang nakasulat sa sobre, natuwa naman si Tatay sa pag-aakala na siya ay tinulungan agad din itong nagpasalamat sa mga ito dahil malaking tulong ito upang mabigyan siya kahit kaunting tulong.

Subalit habang si tatay namamalimos na dala ang kaniyang sobre ay pinagtatawanan siya at sinasabing “Ipang iinom mo lang naman pala ang nanlilimos mo mag trabaho ka” saad ng mga taong nakakakita ng kaniyang sobre.

Kaya naman dito na nagtaka si Tatay kaya naman agad siyang lumapit sakin upang itanong kung ano ang nakasulat sa kaniyang sobre dahil hindi nga ito marunong bumasa at sumulat.

Ayon pa sa netizen na nakakita kay Tatay :
“Napakawalang pusø ng mga taong ganito ang ginagawa sa kanilang kapwa, sana’y hindi kayo patulugin ng konsensya ninyo, hindi na nga marunong bumasa at sumulat si tatay ganito pa ang gagawin ninyo”.

Nawa’y maging daan ito upang magising ang lahat na matuto tayong gumalang sa mga nakatatanda sa atin at lalo na matutong magkaroon ng pakikipag kapwa tao.