Lalaking Dayuhan, tanging sa kalsada nalang natutulog at naging palaboy matapos iwan ng kinakasamang Pinay

Marahil marami tayong nakikitang mga foreigner o dayuhan sa bansa na magaganda ang buhay at maganda ang kapalaran. Iba naman ay may mga negosyo at maayos na pamilya dito sa ating bansa.

Subalit may ilan din naman na dayuhan na hindi maswerte at naloloko pa ng iba nating mga kababayan na mapagsamantala at pinagkakaperahan ang mga dayuhan na kahit anong bait sa kanila ay hindi pa rin nila ginagawaan ng mabuti.

Katulad na lang ng isang Facebook post na ito ni Lehcar Balayut, ayon sa kanyang post humihingi siya ng tulong para sa isang dayuhan na si David Allie na mula sa bansang Canada. Ang naturang dayuhan daw ay tanging sa kalsada na lamang natutulog at palaboy laboy sa Barangay ng Sapalibutan.

Nakita umano ng netizen si David na natutulog sa kalsada bandang 7:30 ng gabi, Iniisip at inakala ng pamangkin ni Balayut na matanda lamang ang natutulog kaya naman kinabukasan agad nila itong binalikan at ito ang nakita nila isang dayuhan na si David.

Dahil dito agad ipinagbigay alam nila ang kalagayan ng dayuhan na si David sa kanilang barangay. Humihingi naman siya ng tulong sa mga netizen kaya ibinahagi niya ito sa kanyang Facebook ng sa gayon ay makita ng pamilya ni David ang kanyang kalagayan.

Ayon sa hinala din ng madla ay iniwan ito ng kinakasamang Pinay matapos maubos ang pera at tuluyan pinalayas kaya ngayon ay sa kalsada na lamang natutulog.

“Sana po kahit sa simpleng share lang po matulungan natin siya para po malaman ng Family nya ang situation niya dito or kahit mga naging kaibigan po o mga nakakakilala po sa kanya para po matulungan po sya.”