Bata na nag-aararo sa bukid matapos mag-viral ay nakapagpundar na ng bahay, lupain, mga kabayo at nakabili na rin ng mga sasakyan

Kung inyong matatandaan, Nakaraan taon ay mayroon naitampok na isang kwento sa Jessica Soho ang tungkol sa sampung taong gulang na bata na nag-aararo sa bukid kasama ang kanyang kabayo na si “Rabanos”.

Ang kanyang kwento ay naging viral sa social media ang naturang bata ay mula sa Bagumbayan Sultan Kudarat, Lalong nahabag at humanga ang netizen ng malaman nilang dalawang ektaryang lupa ang inaararo ng bata gamit ang kanyang kabayo.

Maraming mga netizen ang naantig sa kalagayan ng bata dahil sa napaka-mürang edad nito ay kinailangan agad niyang magbanat ng buto para may makain lamang ang kanilang pamilya.

Kaya naman matapos lamang mai-ere ang kwento ng batang si Reymark Mariano sa nasabing programa ay dumagsa agad ang tulong dito.

Samantala, makalipas ang mahigit kalahating taon ay tuluyan nang nagbago ang buhay ni Reymark. Muling kinamusta ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang bata at nakita nila ang labis na kasiyahan sa mukha nito.

Ikinuwento ni Reymark kung anu-ano ang mga pagbabagong nangyari sa kanilang buhay na bunga ng mga tulong na kanilang natanggap at pagpapahalaga nila sa mga ito.

Sa nakalipas na halos anim na buwan ay nakabili na sila ng sariling bahay, mga sasakyan, tatlong kabayo at sarili nilang lupain na kanilang sinasaka.

Ipinagmamalaki din ni Reymark na maayos ang kanyang pag-aaral at natuto na siya ng wikang Ingles. Ito ay dahil sa naka-enroll siya sa online classes at patuloy pa rin ang buwanang sustento ng mga sumusuporta sa kanyang pag-aaral.

Labis-labis naman ang pasasalamat ni Reymark sa mga biyaya na kanilang natanggap kaya naman patuloy rin niya itong ibinabahagi sa iba, tulad na lamang ng kanilang mga kapitbahay. Lahat nga ng kung anong meron sila ngayon ay bunga ng kasipagan ni Reymark at mula rin sa tulong ng mga taong hanga sa kanyang pagsisikap at pagmamahal sa pamilya.