Ito pala ang magagandang anak ni Paolo Contis na puro babae na may mga future maging Artista

Marahil marami sa atin ang nakakakilala sa aktor at host na si Paolo Contis. Sumikat ang host actor sa pagiging komedyante nito simula pa nung siya ay binatilyo.

Maagang pinasok ni Paolo ang mundo ng showbiz at hindi naman siya nabigo dahil naging maganda ang takbo ng kanyang karera. Bukod sa pagiging magaling na aktor ay hindi maitatanggi ang pagiging magandang lalaki nito.

Sa katunayan isa sa mga nagpapatunay sa kanyang kagwapuhan ay ang naggagandahang mga anak ni Paolo na talagang masasabi mong mayroon siyang good genes.

Kabilang ang mga anak ni Paolo sa mga celebrity kid na sinusundan ngayon sa social media.

Hindi na ito nakakapagtaka dahil katulad ng kanilang mga magulang ay kwalipikado rin ang mga ito na maging artista.

Ang dalawang anak ni Paolo sa kanyang dating asawa na si dating EB Babes Lian Paz na sina Xalene at Xonia ay agaw atensyon sa social media dahil sa kanilang taglay na kagandahan.

Katulad nga ng nasabi kanina ito ay hindi na kataka-taka kung bakit lumaking maganda sina Xalene at Xonia dahil gwapo at maganda ang kanilang mommy at daddy.

Bukod sa taglay na kagandahan, sina Xalene at Xonia ay talented din madalas mag post si Lian sa kanyang Instagram account ng mga video ng kanyang mga anak na todo hataw sa pagsasayaw.

Samantala, hindi naman magpapahuli ang bunsong anak ni Paolo na si Summer, Si Summer ay anak ni Paolo sa kanyang dating kinakasama na TV actress na si LJ Reyes. Bata pa lamang ay nakikitaan na ng potensyal si Summer sa pag-arte.

Tila sinasanay na rin ni Paolo si Summer na umarte. Dahil sa instagram page ng aktor mapapanood ang mga video ng “Acting 101” session nila ni Summer na talaga naman nagbibigay saya sa mga netizen.

 

Subalit sa kabila ng artistahin look at talento ng kanyang mga anak, papayagan kaya ni Paolo na pumasok ang mga ito sa showbiz?

Sa isang panayam kay Paolo sa istasyon ng DZRH radyo, sinabi ng aktor na desisyon pa rin ng kanyang mga anak kung mag-aartista ba sila o hindi.

“KUNG ANO ANG GUSTO NILA.” -ani Paolo

Aminado naman ang aktor na isang malaking ‘edge’ o kalamangan para sa kanyang mga anak, kung gusto man ng mga ito na mag-artista, na artista na ang kanilang tatay.

Ayon kay Paolo “Siyempre malaking edge iyon na mag-showbiz sila, yung tatay nila nasa showbiz”.

Sambit pa ng akto, “Malaking bagay iyon, May mga bagay silang hindi na kailangan pagdaanan. May mga bagay na pwedeng maprotektahan sila before whatever, kasi, meron nang inside people to support them.”