Batang babae na nananahimik sa gilid patago palang kumakain ng patuka ng manok, usap-usapan!

Hindi na bago sa atin ang pagiging malikot ng mga bata dahil lahat tayo ay dumaan sa pagkabata kaya naman alam natin na likas sa mga ito ang pagiging malikot at ang ma-curious sa lahat ng bagay.

Kaya naman kapag sila ay napansin mong tahimik, tiyak na may kakaibang ginagawa ang mga batang ito.

Katulad na lang ng kwento ng isang batang ito. Napansin umano ang isang bata na tila biglang nanahimik sa tapat ng kanilang bintana na taliwas sa kadalasang pagiging makulit nito.

Tulala raw ang bata at abalang abala habang may dinudukot na bagay na kung ano sa kanyang bulsa.

Kaya naman agad itong sinilip ng magulang nito kung ano ang laman ng bulsa nito at napag-alaman na ang kinakain pala ng bata ay patuka o feeds na pagkain ng manok.

Ang naturang kwento at post na ito ay agad naging viral sa social media. Ibat-ibang komento ang natanggap ng mga magulang mula sa mga netizen.

Samantala isang komento ang kapansin-pansin na mula kay Gen Polinar.

Ayon mismo sa kanya, pamangkin raw niya ang batang nasa litrato at taliwas sa panghuhusga ng marami nilinaw nito na hindi nila pinabayaan ang bata.

Sinabi mismo ni Gen Polinar na sa mga oras na yon ay nasa trabaho ang mga magulang ng bata at sila ang naatasan para tignan ang kanilang pamangkin.

Saad pa niya, mayroon umano silang tindahan at isa sa kanilang mga paninda ay ang feeds o patuka ng manok.

Nagkataon lang daw siguro na nakalimutan isara ng kapatid ni Gen ang pintuan ng tindahan.

“Ganito po kc yan may tindahan kami kaya mayron feeds, nakalimutan esara ng kapatid ko ung tindahan. ang nag bantay ng bata ang kapatid ko na isa, may ginagawa ung kapatid ko pag balik nya ganyan na po ang ng yari ung bulsa ng damit ng bata mayron ng feeds.”

“Hindi po namin pinabayaan yong bata, Hindi rin nami yan ginutom.. Marami po siya stock na pag kain at gatas, mayron po din syang vitamins..”

“Sa nag sabi po na mas inuna Pa ang alagang manok kaysa bata hindi po totoo yan kc wala naman po kaming alagang na pang sabong na manok, at that time po nag trabaho po yong mama at papa ng bata.”

“Sana naman po wag po kayo gumawa ng storya Hindi naman totoo.. Hindi nyo naman po alam ang buong details.”

Samantala, para naman sa lahat sana ay maging paalala itong dalawang aral na napulot natin sa kwento. Una ay siguraduhin na ating nababantayan ang mga bata sa ating bahay at ang pangalawa ay huwag basta basta maniniwala sa mga kwento kung hindi pa natin alam ang buong katotohanan.