Isang Pinay Teenager, sinasabi na kahanay nina Mark Zuckerberg at Bill Gates sa 7 Famous Computer Programmers sa buong Mundo

Sa murang edad na 14 taong gulang ay itinatag ni Isabel Sieh ang The Coding School kasama nang pagsikat at paglaganap ng kaniyang Community Girls Will Cod.

Ang isa sa mga adbokasiya ni Isabel ay ang turuan ang mga kabataang babae na matuto ng computer programming dahil dito na nakabase ang ating future.

Ayon sa kwento ng buhay ni Isabel, 10 taong gulang palang daw siya ng makitaan ng kanyang guro ng angking talento at galing sa Math kaya naman hinikayat si Isabel ng kanyang guro na mag-aral ng computer programming.

Dahil ayon sa mga eksperto sa ganitong paraan ay mahahasa pa ang kanyang galing sa Math at sa mga pag-solve ng computer problem.

Simula noon ay nagkaroon na ng interest ang batang si Isabel na mag-aral pa ng husto ng programming.

Ang pamilya ni Isabel ay napag-alaman na nakatira sa Antipolo, City. Siya ay nagpatuloy sa pag-aaral hanggang siya ay tumuntong sa edad na 17 taong gulang at nagpatuloy siya sa pagkuha ng kursong Bachelor in Computer.

Sa kanyang edad ay marami na siyang alam at natutunan gamit lamang ang self learning at internet. Marunong na rin siya ng mga basic coding tulad nalamang ng HTML o HyperText Markup Language, CCC o Common Command set at JavaScript.

Saad ni Isabel “It was really interesting to me because I saw how I could create whatever I wanted, At the time, I loved playing games on my phone and I suddenly realized that I had the power to create those games that I loved.”

“It was really cool for me to see all the things that I could do with coding.”

Subalit hindi nagtagal ay tila nakulangan ang teenager sa online sources kaya naman agad siyang kinuha ng kanyang mommy Ronna ng tutor.

Paliwanag ni Isabel sa isang artikulo na lumabas sa Manila Bulletin noong October 5, 2020.

“I have always loved coding, spending hours learning through online courses. As I learned more, however the courses became more challenging. Moreover, it was difficult to understand explanations purely from online forums.”

Dahil sa angking talento sa Computer Programming ay nakapasok si Isabel sa “7 Famous Computer Programmer Who Started Programming at an Early Age”

Isa sa mga dinesenyo ni Isabel ay ang curriculum ng ibat-ibang tracks pati na rin kung ilang classes ang kaya nila at kung anong content ang akma para sa ibat-ibang age groups.

Ayon naman sa Mommy Ronna ni Isabel : “I did not have to learn how to code. I just had to understand what kind of students and coaches she needed.”

“When I got on board that was a big focus: training coaches, getting coaches, making sure that standards were met.”

Sa kasalukuyan ay patuloy parin daw nag o-operate ang The Coding School Company nila Isabel.

Source: PEP