Dating Basurera na naging CEO na ngayon ng kanyang sariling Business, ibinahagi ang sekreto sa pag-unlad!

Usap-usapan ngayon sa social media ang kwento ng dating basura at mangangalakal sa lugar ng Payatas, Quezon City na ngayon ay isa nang successful Business Woman.

Siya si Joy Binuya, 30 taong gulang siya ay isa ng distributor ng beauty essentials at mayroon na siyang labing apat na staff members kabilang na ang kanyang mga kapatid.

Dahil sa pagiging masipag at determinado sa buhay natupad ni Joy ang kanyang mga pangarap. Nag focus siya sa pag-iipon at hindi siya naging maluho dahil alam niyang ang halaga ng bawat pisong kanyang kinikita.

Sa kasalukuyan nakabili na si Joy ng kanyang sariling condominium unit. Nakapagpagawa na rin siya ng two stories na bahay na dati ay halos magiba at tumutulo ang bubungan sa tuwing umuulan.

Noong 2019 napag-aral na niya ang kanyang sarili sa kolehiyo at nagtapos bilang magna cum laude. Ngunit bago niya makamit ang lahat ng tagumpay na ito ay hindi biro ang kanyang pinagdaan at isinakripisyo para sa pamilya.

Sa isang artikulo na inilabas ng PEP.ph, dito niya ikinuwento ang naging takbo ng kanyang buhay at kung paano siya naging tagumpay.

Ayon sa Facebook post na kwento ni Joy na may pamagat na “BASURERA TURNED CEO” at ang kanilang naging interview noong oktubre 07, 2021.

Ayon kay Joy, hindi madali ang naging buhay nila noong araw. Ipinanganak siyang salat sa buhay at nakatira sila sa Payatas, Quezon City. Siya ay panlima sa anim na magkakapatid.

Dagdag pa niya, bata palamang siya ay marami na silang pinagdaanang pagsubok at mulat sa kahirapan.

“I was 5 years old when my father died from heart attack… Wala kahit pisong naiwan sa amin. Yung nanay ko naman, walang trabaho that time and buntis pa sa bunso namin.”

“She thought of many ways to earn like gumawa ng basahan, mag-manikurista, mananahi, and ang pinaka naging work niya is pamamasura,” sabi ni Joy.

Sinabi rin niya na mula ng 1996 hanggang ipinasara ang dumpsite ang pangunahing pinagkukunan nila ng income ay ang pangangalakal.

“Yes, sa pamamasura kami nabuhay at nakapag-aral,” saad niya.

 

 

Nang mga panahon daw na iyon gustuhin man niya matapos at makapag aral ng kolehiyo ay malabo raw dahil sa kahirapan.

“Malungkot kapag nakikita mo yung mga kasabayan mo nagtapos ng high school, nakakasakay mo, naka-uniform na pang-college…Tapos ikaw nakapang-saleslady.”

Hindi naman daw niya minamaliit ang trabaho saleslady dahil ito ang kanyang naging trabaho ng mga ilang taon.

At nang makatapos raw ng highschool ang kanyang ate at kuya, mas pinili ng mga ito na magtrabaho para tulungan ang kanilang ina sa pamamagitan ng pangangalakal.

“Ako naman din tumutulong sa kanila pagkagaling ko from school. Naghahatid ako ng pagkain. Umaakyat ako sa bundok ng basura kahit ang init-init. Hehe. Tumutulong din ako magpili ng kalakal, bakal, sibak, panta, etc. Pwede nga ako mag-work [sa] junk shops, eh, haha, charot,” natatawang kwento ni Joy.

Pagtungtong ng Grade 4 nagsimulang tumulong sa kanilang Ina si Joy sa pangangalakal. Hanggang siya ay mag highschool tumutulong pa rin siya sa kanyang mga kapatid at Ina.

At taong 2008 ng siya ay makatapos sa highschool, gaya ng kanyang mga kapatid, nagtrabaho siya upang makatulong sa pamilya.

“After high school, habang bakasyon pa at wala pa mahanap na trabaho, pumasok akong tindera sa mga tiyangge. Yung may ‘WANTED TINDIRA’ ganun.”

Ang mga binebentang timba, walis at tabo ay kanyang pinapatungan para kumita ng tig-PHP20.

Biro ni Joy, “Hahaha. Sorry po. Nakatulong naman kayo sa akin po. Hehe.”

“Kapag kayang sumama sa kanila, umaakyat pa din ako sa dumpsite,” sabi niya.

Sinuwerte naman si Joy dahil siya ay naging scholar sa programa noon ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Ngunit kailangan pa rin niyang magtipid dahil gipit na gipit sila.

Aniya, “Elementary and high school, isa lang uniform ko. Wash and wear pa. ’Tapos wala pa kaming plantsa haha.”

Tuwing recess ay humihiwalay si Joy sa kanyang mga kaklase.

“Kunwari bababa sa canteen, pero wala namang pambili. Magpapatagal lang kasi nakakahiya naman mag-stay sa room na sila kumakain, ‘tapos ako wala.”

At kapag babalik sa classroom at tatanungin siya ang sagot raw niya ay kumain na ng biscuit. “kahit wala naman talaga.”

Noon raw ay limang piso lamang ang baon niya, pero dahil gusto niyang makaipon at makabili ng work books, naglalakad na lang siya pauwi.

“Lagi ko inuuna bilhin [ang] MATH workbook. Kahit wala na ako ng iba basta may Math ako.”

At pagdating raw sa ibang workbooks, sinusulat na lamang niya ito sa yellow pad paper dahil wala siyang pang-xerox.

“Tiyaga lang kahit laki na ng kalyo ko sa kamay.”

Isang Chinese ang kanyang boss noon at PHP100 kada araw ang sahod niya. Makalipas ang tatlong buwan ay nagpaalam na siya dahil nag-aapply siya bilang saleslady sa isang kilalang mall.

Ayon pa kay Joy hindi raw niya makakalimutan ang ginawang pang-iinsulto ng kanyang amo ng ito ay magpaalam.

“Sabi niya, ‘Akala mo matatanggap ka dun, high-school grad ka lang. Sige, mag-apply ka dun sa inaasam-asam mong SM!’”

Dugtong ni Joy, “At natanggap na nga ako sa SM, dito na ako nabulok. Hehe charot.”

At 2009 nga hanggang 2013, nagpaikot ikot si Joy bilang saleslady at clerk.

“Lahat na ata ng branch ng SM na-assign na ako. Andiyan yung mumurahin ka ng customer, mamaliitin ka, duduruin ka. Akala niyo okay kami, no? Kasi kuntodo makeup ‘tapos nakatakong pa. Deep inside wala nang pera iyan. Nakasangla pa ATM. May 5-6 pa,” kwento niya.

“Every night pag uuwi, umiiyak ako bago matulog kasi paulit-ulit na lang, walang nagbabago hindi ka masaya. So, dun lang umikot yung ilang taon ko. Endo [end of contract], apply. Endo, apply,” dagdag niya.

Nadating rin daw yung point kay Joy na “feeling down na down” na siya at “parang wala nang patutunguhan yung life ko.”

Dumaan siya sa St. Peter Parish: Shrine of Leaders sa Commonwealth, Quezon City, at doon ibinuhos ang lahat ng kanyang luha.

“I’m telling Him that, ‘Lord, I’m tired. Ang dami ko pa pong pangarap. Kayo na po bahala sa akin if ano mang plano Niyo po para sa akin.’ Alam mo, true enough na ibibigay ni Lord yung pinagdadasal mo. Just learn to wait. Hindi mo alam kasi bigla na lang at di mo inaasahan,” saad niya.

Taong 2014 naman ng mapagdesisyunan ni Joy na pasukin ang “drop-shipping” ng mga beauty products kahit na wala siyang puhunan.

“Kumbaga, nagbebenta lang ako para doon sa iba, pero parang ako yung parang middle man nila. Reseller ka, pero wala kang onhand [money]. Taga-post ka lang, pero tumatanggap ka ng payment, ganoon. Doon ako nakaipon.”

Kuwento niya, “I bought phone, ‘tapos napansin ko yung opportunity ng social media kasi sobrang daming nag-o-order online. So I tried maging reseller. Wala akong puhunan except may cp [cellphone], load for internet, and sipag. May mga times na utang pa, but it’s okay, nagsisimula pa lang, e.”

“Kumikita ako ng 20 pesos, masaya na ako. Iipunin ko then pag lumaki, magdadagdag ako ng ibebenta. Until nakaipon ako. Kasi ang bilis nakaipon. Ang lakas kasi. Nung 2014, wala pa masyadong nagbebenta ganoon, so, ang bilis kong nakaipon,” dagdag niya.

Noong 2015 naman ay nagdesisyon si Joy na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral kasabay ng pagtatrabaho. Nag-enroll si Joy sa National College of Business Arts sa Fairview, Quezon City.

Dahil sa tagal na nahinto sa pag-aaral ay hindi maiwasan ni Joy na magdalawang isip.

“Una, nagdadalawang-isip pa ako talaga kasi feeling ko nabobo na ako. Feeling ko mangungulelat na ako. “Pero siyempre, DREAM ko talaga ito. So, grab ko na.”

Kumuha si Joy ng Bachelor of Science in Business Administration Major in Marketing Management.

Aniya, “First choice kong course was Accountancy, pero dahil feeling ko nga nabobo na ako, pinili ko mag-BSBA dahil magagamit ko din naman sa business.”

“Nagpursige ako kasi makakabawas din yun sa gastos kasi less sa tuition.”

At awa ng diyos naging qualified din si Joy para sa scholarship na agad nitong sinunggaban.

“Study and doing business at the same time. Mahirap pero dahil gusto mo yung ginagawa mo, hindi mo iniinda yung hirap. I was so blessed kasi di ako pinabayaan ni Lord.”

Dahil sa paglago ng kanyang negosyo, naging on-hand na si Joy rito at binitawan na ang drop-shipping.

“Maliit lang nung 2015. Habang nag-aaral ako, lumalago na siya. Meron na akong [pera], bumibili na ako ng products na bulk. May discount na ako, kaya ako na mismo nagsi-ship ng items. Galing na mismo sa akin. Hindi na siya galing sa supplier,“ sabi niya.

Taong 2019 naman nang makapagtapos si Joy bilang Magna Cum Laude.

Ani Joy sa kanyang post, “Ngayon, graduate na ako. Lahat ito pinaghirapan ko. Kaya alam niyo na bakit ganun na lang ako kasipag, bakit nagagalit ako sa ibang taong walang pagpapahalaga sa pag-aaral nila.”

“Hindi lang naman pera ng magulang ninyo ang sinasayang niyo, kundi nasasayang din yung itinuturo ng guro ninyo sa inyo.”

Nagbigay naman si Joy ng paalala sa mga estudyante na bigyan raw ng halaga ang pagkakataon na sila ay nakapag-aral.

“Mas maraming deserving na sana nasa posisyon ninyo, pero kayo ang inilagay diyan, kaya you should be thankful,“Ang sarap sa feeling na napagtapos mo yung sarili mo. Sobrang laking achievement.”

Nang makagraduate sa kolehiyo pumasok si Joy bilang fiscal clerk sa Supreme Court. Kasabay nito ang paglago ng kanyang negosyo.

Hanggang sa tumama ang pand3mya, pero ang negosyo ni Joy ay patuloy parin sa paglago.

Makalipas naman ang anim na buwan nagbitiw si Joy bilang clerk at nagfocus na lamang sa pagbebenta ng kanyang mga beauty products.

Anim na taon na ang kanyang negosyo Clarity Essentials at patuloy ito sa pag-unlad at paglago kahit na tayo’y nasa gitna ng pand3mya.

Nagpatayo rin siya ng office sa kanilang bahay, “Dito lang din sa house namin, nagpagawa ako ng sariling office, ‘tapos workplace.”

Sa ngayon ay nasa labing apat (14) ang kanyang mga empleyado kabilang na rito ang kanyang mga kapatid.

ANg kanilang produkto naman ay idini-deliver sa pamamagitan ng dalawang kilalang online shopping and selling services sa bansa at maging sa Facebook ay maaari karin umorder.

“Online po kasi siya, e. Araw-araw may order. May manufacture po kami [ng products]. Sila po talaga kuhaan namin.”

Bago magtapos ay nagbigay naman ng aral at paalala si Joy sa mga katulad niyang may pangarap sa buhay,

“’Wag ka lang mag-quit. May goal ako kahit di ko alam paano makakamit siya noon. ‘Tapos pray lang ako nang pray. Tapos biglang 360, biglang ikot mo ganito na siya. Kasi kailangan may goal ka, kahit di mo alam kung paano mo siya maa-achieve. Tsaka ayun, pray, pray, pray. Masipag lang ako magdasal.”

Source: PEP