Matagal na nakatiwangwang na kalsada tinaniman ng mga halaman ng isang netizen, kinagiliwan at viral!

Tampulan ng mga usap-usapan ngayon sa social media ang ginawang pagtatanim ng halaman ng isang netizen sa nakatiwangwang na ginagawang kalsada sa lugar ng Liloan, Cebu.

Sa isang Facebook post ng netizen na si Celine Sotto, kanyang in-upload ang ilang mga larawan na ginagawang kalsada na ngayon ay may nakatanim na mga halaman.

Ayon kay Celine, ang naturang ginagawang kalsada ay matagal na raw nakatiwangwang at tila pinabayaan na kaya naman naisip niyang lagyan ito ng mga halaman.

Dagdag pa ni Celine, Matagal na rin daw walang pumupuntang construction workers upang ito ay ipagpatuloy na ayusin ang daan na sinira nila.

“Matagal nang naka tiwang-wang ang ginagawang kalsada, at halos wala namang dumadating na mga construction worker upang ayusin o gawin ang kanilang sinirang kalsada kung kaya’t tinaniman ko nalang ng mga halaman,” sabi ni Celine.

Samantala, dahil sa pagiging viral ng mga larawan na ito ni Celine, agad itong nakarating sa pamunuan ng kanilang lungsod at nangako raw ang contractor na tatapusin nila ang kanilang proyekto.

Sa kasalukuyan, tinanggal na raw ang mga halaman sa naturang kalsada ng mga contractor.

Bumuhos naman ang mga komento na pambabatikos mula sa mga concerned citizen sa mga namamahala ng nasabing lungsod tila pinabayaan raw nila ang mga kalsada.

Narito ang ilang komento mula sa mga concerned citizen :

“Kung hindi pa magba-viral at pag-uusapan sa social media walang kikilos sa lugar na yan, ang tagal na palang bakante eh sila mismo sumira diyan tapos hindi naman pala aayusin” sabi ni Crisostomo Locsin.

“Dapat ang itinanim dyan yung 3 months pwede ka mag harvest gaya ng Sweet Corn,” dagdag ng isang netizen.

“Kung hindi pa tataniman ng mga halaman at hindi magiging viral hindi kayo kikilos, ang tagal napalang nabakante ng kalsadang sinira at ginagawa ninyo hindi niyo man lang tinapos,” sabi ni Irene Garcia.

Source: News5