Isang 3- taong gulang na bata, nakahukay ng 500 taon gulang na kayamanan na tinatayang milyon ang halaga sa kaniyang kauna-unahang metal detecting adventure

Ang swerte talaga ay hindi mo alam kung kailan darating, maaaring ngayon, bukas o kaya naman ay sa isang linggo. Subalit kapag ito ay nakatadhana sayo ikaw ay napakaswerte at mapalad dahil sa pamamagitan nito ay maaaring mabago ang takbo ng iyong pamumuhay.

Katulad ng tatlong taong gulang na si James Hyatt, dahil sa kanyang murang edad ay nakapaghukay lang naman siya ng sinasabing 500 taon ng kayamanan na nakabaon sa lupa at nagkakahalaga ng milyon-milyon.

Ayon sa naging balita at kwento ng mapalad na si James Hyatt, kasama niya ang kanyang ama at kanyang lolo sa kanilang ginawang metal detecting adventure.

Sa ginawa nilang adventure na ito ay masayang-masaya si James subalit sino nga ba ang mag-aakala na sa simpleng laro para sa batang si James ay magiging dahilan para upang makatagpo at maka-hukay ng isang mamahaling kayamanan.

Si James ay nakahukay ng isang “rare gold locket” na nagkakahalaga lang naman ng US$3.1 million o may katumbas sa ating pera na mahigit Php158,831,600.

Gamit lamang ang kanilang metal detector ay kaagad na naghukay sila James at ang kaniyang ama nang biglang marinig nila ang tunog mula rito.

Ang kanila palang nahukay na kayamanan ay 500 taong gulang na. Ito ay isang 16th century locket, na mula pa sa kapanahunan ni Henry VIII. Ayon sa ilang mga eksperto ay maaaring pagmamay-ari ito ng isang maharlikang pamilya.

Samantala, sa naging ulat tungkol dito ang pera daw nakikitain ng pamilya ni James ay kailangan hatiin sa may-ari ng lupa kung saan nila nahukay ang naturang kayamanan.

“I was holding the detector and it went beep, beep, beep. Then we dug into the mud. There was gold there. We didn’t have a map – only pirates have treasure maps”, Pahayag ni James.

“We dug six to eight inches down and lo and behold, we got a flash of gold. I moved the earth around and brought it to the surface and there it was,” Pahayag naman ni Jason, ama ni James sa BBC.

“James was so excited when he realized he had found real treasure. My son is one of the luckiest people ever.” Dagdag pa ng ama.

Sa kasalukuyan ay masayang-masaya ang pamilya ni James dahil sa kanilang nadiskubre at biyayang nakuha, samantala ang naturang kayamanan na nahukay ay may bigat na 8.68 grams at 73 percent na gold at mayroon itong larawan ng Birheng Maria na may hawak na Krus.