Isang Ama na napagtapos ang apat na anak sa kolehiyo mula sa pagtitinda ng pangtali sa buhok, Hinangaan!

Viral ngayon sa social media ang kwento ng isang ama na labis na hinangaan ng maraming netizen, Nang dahil sa pagbebenta ng dakilang ama ng mga scrunchies o pangtali sa buhok ay nagawa niyang itaguyod at mapagtapos ang kanyang mga anak sa kolehiyo.

Siya si Tatay Geronimo, mabilis na kumalat ang kanyang mga larawan sa social media na kuha ng concerned citizen na si Karissa Mae Nievera.

Ayon kay Karissa, isang araw ay naglalakad siya sa kahabaan ng Puregold monument nang makita niya si tatay Geronimo na naglalako ng mga tig sasampung pisong panali sa buhok.

Kahit pa daw mura ang mga panindang ito ni Tatay Geronimo makikita naman na ito ay magandang klase at kalidad.

“Was walking along Puregold Monumento when we saw Tatay selling these cute scrunchies for only 10php.”

Si Tatay Geronimo ay kilala sa kanilang lugar na masipag at mapagmahal na ama sa kanyang mga anak, Kaya nga lahat ay gagawin nito para lamang sa kanyang mga anak.

Hindi naman nabigo si Tatay Geronimo dahil ang lahat ng kanyang pagsisikap at pagsasakripisyo ay nagbunga ito ay matapos sabay-sabay niyang napagtapos ang kanyang apat na anak mula sa pag-aaral sa kolehiyo.

“Dahil sa sipag ni Tatay, napagtapos na pala niya ang kanyang apat na anak. Salute to Tatay Geronimo!!” mula sa anak ni tatay Geronimo.

Ganyang ang naging pahayag kay Karissa ng isa sa anak ni tatay Geronimo na si Geronimo Tolibas Jr. Proud na proud din ang mga anak ni Tatay Geronimo sa kanya dahil kahit anong hirap daw ay binabalewala ni Tatay para lamang sa kanilang magkakapatid.

Labis din ang pasasalamat ng mga anak ni Tatay Geronimo sa kanilang ama, dahil hindi raw nila ito magagawa at mapagtatagumpayan kung hindi dahil sa kanilang ama. Kaya naman nagsumikap din sila para makabawi sa kanilang ama.

Sa isang post naman ni Karissa, sinabi nito na patuloy na bumubuhos ang suporta sa paninda ni Tatay Geronimo.

Dahil sa kahanga-hangang kwento ni Tatay dumami ang nais na bumili sa kanya ng mga paninda na malaking tulong naman para sa kanilang hanapbuhay.

Kahit ano pang hanapbuhay o pinagkakakitaan ng ating mga magulang basta ito ay marangal, hindi dapat ito ikahiya ng kanilang mga anak, bagkus ay dapat na ito’y ipagmalaki dahil ito’y isang pagpapakita na pagmamahal ng isang magulang.

Source: Karissa Mae Nievera